"Pakinggan na muna natin ang sasabihin niya, okay?"

Clarissa couldn't retaliate. Pinili na lang muna nitong maghintay sa paliwanag ng kanilang panganay.

"May naghihintay ho sa 'kin sa Del Rio." Sa mahinang tinig nito.

Nagtitigan silang mag-asawa.

"I love someone, and I want to see her every day."

Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa kanilang lahat, bago humagikgik si Allona. Napangiti na rin siya, bago nakitawa ang asawa.

"Oh, Caleb." Lumambot ang reaksiyon ni Clarissa, nahawakan and dibdib.

"Sabi na e." Allona smirked.

"At sino naman ang mapalad na babae ang nakabihag sa puso mo, 'nak?" Halata ang kasiyahan sa mukha ni Clarissa.

Doon lamang ngumiti si Caleb, namula pa ang mga pisngi. "Ipakikilala ko ho siya sa inyo kapag nakausap ko na siya." Tumingin uli ito sa kanya, "So, Dad, puwede bang doon muna ako, kahit tatlong beses lang kada-linggo?"

Alvaro looked at his wife and read her reaction, she nodded in agreement and so he did. "Pansamantala lang, Caleb. At ang payo ko lang, panindigan mo ang anumang desisyong gagawin mo, iyong hindi mo pagsisisihan, at kung sakali man, dapat ay marunong ka ring tumayo't ayusin."

"Oho, maraming salamat ho."

Idinikit ni Alvaro ang labi sa basong may lamang alak, ngunit hindi naman iyon ininom, nasa iniisip ang kanyang konsentrasyon.

He'd never seen his oldest son act like that, so intense and determined. Eighteen pa lang ito at hindi niya alam kung tama bang pumayag silang mag-asawa sa kahilingan nito, ngunit kung isa ito sa mga bagay na dapat nitong pagdaanan sa buhay upang maging matatag, tama lang marahil. Habang nasa murang edad pa lang ang mga anak ay pangaral na nilang maging independe ang mga ito.


"KUYA?" tawag ni Allona habang kumakatok sa pinto ng kanyang silid.

"Pasok." Itinigil niya ang pagsuksok ng kamiseta sa backpack at hinarap ang kapatid.

Dumiretso si Allona sa kanyang kama at naupo sa gilid.

"Bakit?" Ipinagpatuloy niya ang pagpili ng mga damit na dadalhin sa Del Rio.

"Hindi ko na yata nakikita 'yong friend mo na pumupunta rito?" Pinanood nito ang kanyang ginagawa.

"Sina Danilo at Rommel?"

"Yes."

"Alam mo namang pasukan na kaya medyo busy na rin."

"Ahm, si Rommel, may girlfriend na ba siya?"

Huminto siya sa ginagawa at nilingon ang kapatid, walang nabago sa reaksiyon nito, blangko at hindi niya mabasa. "Bakit gusto mong malaman?"

"Nothing." Nagkibit-balikat ito. "Curious lang ako. He's an interesting guy."

"And he's my friend--best friend to be exact, Ally. At oo, may girlfriend na siya, Juliet ang pangalan at kaibigan ng kasintahan ko."

"Wow, sobrang specific ha?" She snide.

"Ally, not him." He warned.

"What? I'm just asking." Ngumiwi ito.

Umupo rin siya sa kama at hinarap ang kapatid. "Hindi kayo talo, isa pa, ang bata mo pa para--"

"Jeez! I'm sixteen and I can like anybody I want." Tumayo ito.

"Ally-"

"Nagtatanong lang 'no, ang seryoso mo talaga. Ano bang nakita sa 'yo ng girlfriend mo at sinagot ka? I feel sorry for her." Inismiran siya nito saka lumabas ng kanyang silid.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerWhere stories live. Discover now