Weekend affair

4 1 0
                                    

Ako si Cynthia Alvarez isang maybahay at ito ang aking kwento.

Sabado. Sabado nanaman. Halos tatlong taon na na parati nalang tuwing weekend umaalis si Dino. Sa tuwing tinatanong ko sya parati lang syang ngumingiti at bagsasabi ng "para satin din naman tong lakad ko mahal." sabay halik sa aking mga labi.

Ramdam ko naman ang ang init ng kanyang pagmamahal, dinaman nawala ang romansa sa aming relasyon pero bakit di sya nagsasabi kung saan sya tuwing weekend.

Di na talaga ako nakatiis kinumpronta ko si Dino.

"Hindi ka ba talaga aamin Dino?? Sabihin mo lang kung ayaw mo na saken magpaparaya ako." galit kong sabi.

"Mahal naman, wala akong iba ikaw lang." wika nya at hinalikan ang tungki ng aking ilong.

Nagpupuyos nako sa galit dahil parang wala lang sa kanya ang sentimento ko pero niyakap lang ako ng asawa ko at binulungan na mahal na mahal daw nya ako.

"Kung di ka aamin hihiwalayan na talaga kita." nagbabanta kong sabi.

"Mahal naman. Sige na sa susunod na linggo di na ko ulit aalis. Last na to pramis."

"Bahala ka dyan." kunwari ikay lang saken peto may nabuo nakong plano. Susundun ko sya at tutukladin ko ang kanyang tinatago.

Mga ilang minutong umalis si Dino lumabas nadin ako. Sakay sa taxi na kanina ko pa na book sinunndan ko sya.

Huminto sya sa isang restaurant.

Langyang yon may kinatagpo ngang babae. Di nako nagsayang ng oras kinumpronta ko na sil kaagad.

"So sya pala ang kinakatagpo mo Dino. Sya ba ang ipapalit mo saken?" nagsisigaw na ko , nageeskandalo pero wala along pakiaalam. Kinakain na ko ng poot at pighati.

"Teka mahal, sya si architect Henarez sya---"

"Putcha la akong pakialam Dino, hiwalay na tayo." nanginginig kong sigaw. "At eto para sayo malandi ka" baling ko naman sa babaeng kaharap ko sabay sampal.

Tumakbo ako palabas di ko alam kong anong gagawin ko kung san ako pupunta.

Tunawid ako ng kalsada at narinig kong ang tawag ni Dino, "Mahal antay" at pag lingon ko sya namang paghagip ng isang suv sa patawid kong asawa.

"Dinooooo.." sigaw ko at biglang dumilim ang paningin ko.

Pagising ko napasin kong present lahat ng immediate family ko.

"Ma si Dino? Kamusta si Dino?" Taranta kong tanong.

"Nak wala na si Dino."

"Hindi. Hindi pweding mawala si Dino. Kelangan kong makausap si Dino." hysterical kong sigaw.

Dapi-daling lumabas si mama at pagbalik nya kasama na nya ang doctor at nurse.. Ramdam kon ang pagturok ng karayom sa akin tapos bumigat ang talukap ng mgs mata ko at nakatulog na ako.

Pagmulat ko ng mga mata ko nagiisa nalang ako at me napansin akong envelope sa tabi ko. Tumambad saken ang litrato ng isang maliit na isla at blueprint ng isang buttetfly enclosure. Me kasama rin itong sulat.

Mahal kong Cynthia,

Dapat regalo ko to sa kasal natin kaya lang di umabot kaya ngayong anuversary nalang natin.

Alam kong matagal mo nang gusto na magkaroon ng vacation house sa isang isla kaya lang di ko naman kayang bumili ng iska kaya ginawan nalang kita. Sa tulong ng mga kaibigan ko sa Save The Earth Foundation. Nakagawa kami ng isang floating island. Me sarili na tayong paraiso.

Mahal na mahal kita sana magustuhan mo ang handog ko.

Happy anniversary mahal

Ang iyong kabiyak,

Dino

Basa na ang damit ko sa luhang nag uunahan.

Ito pala ang sekreto nya, ang pinagkaaabalahan nya noong nagdaang mga weekend.

Isang islang gawa sa basura. Kinuha ko ang plano ng isla. Mga plastic bottle ang sinilid sa makaking net.. Pinatungan ng buhangin at tinamnan ng mga adult na bakawan. Me bahay at me butterfly eclosure at me flower garden din..

My God Dino ano tong ginawa ko. Labis kong pinagsisihan ang kawalan ko ng tiwala. Ngunit huli na ang lahat dahil wala na si Dino.

Nawala syang di ko man lang nasabi sa kanya na nagsisisi nako at mahal na mahal ko sya...

End..

So kamusta ang first oneshot ko???

Read, read, read...

Comment and vote if nagustuhan nyo...

T







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

weekend affairsWhere stories live. Discover now