CHAPTER XVII

696 71 2
                                    

 Sorry Akala Ko Boyfriend Ko Result

Jeminah Bato Point of View

Nasa kusina ako ngayon para magluto ng makakain namin ni Shaira.

Speaking of Shaira, mula nang maka uwi na kami ni Shaira sa apartment kanina sobrang tahimik nya. Kahit na nasa byahe palang kami, tahimik na sya.

Ngayon nagsisisi na ako, sana pala na sinabi ko nalang sa kanya yung narinig ko kahapon edi sana hindi na nangyari to.

I know this is my fault eh.

Nagsaing na ako't nag luto ng ulam, yung ulam namin corn-beef na may patatas. Wala namang ibang pwedeng iluto dito, hindi pa kami nakaka-pamili ni Shaira, kaya ngayon no choice kami.

Akma akong pupunta sa kwarto ni Shaira para ayain siyang kumain nang may biglang tumawag sa cellphone ko. Si nanay, akala ko naman kung sino.

'Hello nak? Kamusta kayo dyan?' pangagamusta ni nanay nang sinagot ko ang tawag.

"Ok lang naman po nay, halos kauuwi lang po namin galing ng school." sagot ko, ayaw ko munang ikwento sa kanila ang tungkol sa nangyari kanina sa university. Ayaw ko silang mag-alala.

"Ganon ba? Kung nay kaylangan kayo tumawag kayo ah?" ani pa ni Nanay.

"Nay andito naman po si Sangko." sagot ko, sangko ang nakakatandang pangatlong kuya ni Shaira. "Pag wala na kaming pagkain na maluto o kung wala kaming pamalengke pumupunta kami sa apartment nya, malapit lang naman dito sa amin." dagdag ko pa.

Sandali pa kaming nagkwentuhan at nagkamustahan ni nanay, nang biglang may umiyak. Panigurado isa sa kambal na naman iyon.

"Sige na nak, umiiyak na naman mga kapatid mo." ani nanay.

"Sige po, pakihalikan nalang sila para saakin. Bye nay! Ingat kayo palagi." ani ko.

"Ingat ka din lagi nak." ani Nanay at bago putulin ang linya ng tawag.

Saktong naputol ang linya nang usapan namin ni nanay ay may biglang tumawag na naman. Unknown number, kaya di ko ito sinagot. Hindi ako pala sagot nang unknown caller, baka kung sino pa iyon.

Tinuloy ko nalang ang pagluluto, total hindi pa naman talaga ako tapos dito.

Kulang isang oras ang lumipas natapos na rin ang pagluluto ko, hindi lang kasi corn-beef ang niluto ko, may nakita pa akong pattys sa ref kaya nag luto na rin ang ng burger steak.

Quarter 3 pm na. Nang kuhanin ko ang cellphone ko, 38 missed calls from unknown number. Ganoon ba ka importatente ang tawag kaya ilang beses itong tumawag. Last, kapag tumawag pa sya sasagutin ko na talaga.

Iniwan ko sa dining table yung cellphone, bago kumuha ng isang basong tubig. Sakto namang umiinom na ako ng biglang tumugtog ang song ng Parokya ni edgar na bagsakan. Tinignan ko kung sino ang tumatawag, yung unknown number parin. Tulad ng sinabi ko kanina I will answer the next call, kaya sinagot ko na iyon.

"Hay salamat naman at sinagot mo na." ani ng pamilyar na boses sa kabilang linya.

"Sino po ba ito?" magalang na tanong ko, dahil kahit na Pamilyar ang boses nya hindi ko parin sya kilala.

"Huy Jeminah, kuya ni Mary Joy to, kanina pa kita tinatawagan kasi kanina ka pa hinahanap ng coach ng basket-ball team ewan ko kung bakit. Pumunta ka raw dito sa university kung hindi kaya okay lang naman. Mapa-parusahan lang naman ulit yung mga players. By the way babaeng babae na si Mary Joy. Nanliligaw na si Bryan sa kanya. Sige na punta ka na dito ha, pero kung di kaya okay lang talaga. Bye!!" natatawang ani ng kuya ni Mary Joy sa kabiling linya. Ni-hindi man lang ako binigyan nang pagkakataon na sumagot, basta nalang nya pinutol ang linya tawag.

TRUTH THEN DAREWhere stories live. Discover now