CHAPTER XI

801 80 15
                                    

Backhug

Shaira Zarate Point of View.

"Kung nakita nyo lang yung itsura ni Razel!" natatawang ani ni Lhonriz.

Nagtawanan na rin kaming lahat.

"Yung feeling na kaaway mo tapos ipagta-tapat mo yung feelings mo para sa kanya. Kakaiba!" natatawang ring ani ni Julia.

"Sa tingin nyo mag aaway pa kaya silang dalawa?" tanong ni Sharmaine.

"Hindi mo sure, baka bukas makalawa lalo pang lumala away nya dahil sa ginawa ni Jelly." natatawa namang ai ni Jeminah.

Sa tropa hindi mawawala yung siga, yung laging may kaaway, pero ang kakaiba ang mga kaibigan ko. Oo nga at may siga-siga sa amin, pero ang mga kaaway ay lalaki. Yan si Jelly, ni hindi nga yan puma-patol sa mga babae, syempre bukod sa aming tropa nya.

"Sa susunod hinding hindi na ako sasali sa mga pa games mo Shaira. Punyeta, ang lakas ng tibok ng puso ko kanina!" sigaw sa akin ni Jelly.

"Ows? Ilang beses mo na bang sinabi yan? hundred times? But you still joining this game." natatawang ani ko.

"I promise to my self, hinding hindi na ako sa-Sali sa laro ni Sha----" hindi pa man niya natapos ang mga salitang sasabihin nya pinakain sya ng papel ni Akirah.

Ang hilig mag pakain ng mga papel ng kaibigan ko.

"Shut up Jelly." ani pa Kirah.

"Pero aminin nyo, ang saya ng laro na to." ani Sharmaine.

"Oo naman yes, kahit na nakaka-takot masaya, nakakapag confess ka pa.." ani naman Akirah.

"Yeah, I agree." si Samantha.

"Naka-amin ka na nga sa crush mo, baka mag ka-jowa ka pa.!" sigaw naman ni Jeminah.

"At dahil sa ginawa natin, baka may mag break pa!" naka-ngising ani Julia.

"At baka may ikasal pa ng hindi oras nya." naka-ngisi ring ani ko.

"Sinong ikakasal?" sabay na tanong ni Mary Joy at Camille.

"Si Frances! Buntis daw nga daw sya diba." tumatawang sagot ko kaya nagtawanan din sila.

"Kasalanan ni Akirah yon eh!" ungot ni Frances.

"Heh mag-sipag tahimik na kayo. I still need to spin this bottle, so we can stop this game. Medyo pagod na rin ako sa kakatakbo natin." pag i-english ni Jelly.

"Edewow sayo Jelly!" si Akirah.

"Pota! Ilang taon mo pinag-aralan yon?" si Shene.

"Sana all nag e-english." si Samantha.

"woah, Go Jelly kaya mo yan!" si Shene.

Kanya kanyang tilian ng mga pokpok, Nag-english lang si Jelly. Sabagay madalang lang kung magsalita sya sa lengguwaheng English.

Hindi naman pinansin ni Jelly ang mga iyon, at akmang namang ipapaikot na ni Jelly ang bote ng hawakan ko ito.

"Pag pinaikot mo yan at tumama sa akin, ako ulit ang mag dedare kay Camille mamaya, dahil kami nalang ang last na mag lalaro. Kaya kung ako sayo wag mo nang pa-ikutin at i-dare mo nalang si Camille." naka-ngising ani ko.

Kami nalang tatlo ang nasa bilog.

Ako na bait abata.

Si Camille na malibog.

TRUTH THEN DAREWhere stories live. Discover now