Chapter 20. He still alive

118 5 1
                                    

20:

-Kael-

Kasalukuyang minomonitor ng doctor si Jeanie. Hindi ko na alam ang gagawin ko, ngayon lang ako nagpanic ng ganito. Bakit nagkaganon si Jeanie?

Nasa akin ang phone ni Jeanie kaya narinig ko itong tumunog, may tumatawag sa kanya at ang kuya nya pala ito.

Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ito o hindi. Pero wala na akong iba pang mapagsasabihan, aysh! Bakit kasi ang komplikado ng sitwasyon ko ngayon.

Sinagot ko naman ang tawag ni Yeoj, bago pa man ako magsalita ay pinangunahan agad nya ako.

"Jeanie, where are you? Hinahanap ka ni dad at mom." Sa puntong iyon may parte sa akin na planado nga nila itong lahat.

Alam ko na ang tungkol kila Jeanie at Michael. Alam ko ang tungkol kay Jia kung bakit naging sya si Jeanie. Alam kong ang buong pangyayari at kung bakit namatay ang pinakamamahal kong kapatid.

"Jeanie, speak to me." Sambit naman ni Yeoj sa kabilang linya. Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi ko. Bahala na.

"Hello." Ramdam kong biglang tumahimik sa kabilang linya si Yeoj pero bago pa man sya magtanong kung sino ako ay inunahan ko na sya. "Ako to, siguro naman kilala mo pa ang boses ko, Yeoj. " Feeling ko kahit hindi ko nakikita si Yeoj ay gulat na gulat sya na marinig ang boses ko.

"No way, it's that you Kael?"

"The one and only." Sambit ko.

"P-pero bakit nasa iyo ang phone ni Jeani— i mean Jia. Nasaan sya?" Shit, muntik kong kalimutan yung tungkol kay Jeanie.

"Sasabihin ko sa iyo ang nangyari pero kailangan mong pumunta ngayon dito sa ospital na malapit lang sa sementeryo kung saan nakalibing ang kapatid ko." Pakiramdam ko parang nagpanic si Yeoj ng marinig nya ang sasabihin ko. "She needs you." I said.

"I'll be there quickly. Wait for me." At tsaka niya ibinaba ang linya.

Isinandal ko na lang ang ulo ko sa pader habang nakaupo at tsaka bumuntong hininga. Ang bilis ng pangyayari, hindi ko akalain na magiging ganito ang kahihinathan ng pagpasok ko ulit sa buhay nila.

Ilang minuto ay nakita ko si Yeoj sa hindi kalayuan at hinahanap kung saan ang ER.

"Yeoj!" Sigaw ko sa kanya dahilan para makita nya ako at tarantang nilapitan ako. Sakto naman ay lumabas sa ER ang doktor kaya nilapitan namin ito ni Yeoj.

"Relatives ng patient?" Tanong ng doktor.

"Ako, ako ang kuya nya." Sagot ni Yeoj, halatang napagod sya papunta dito. " Kamusta ang kapatid ko, Doc?" Nag-aalala pang tanong nito kay Doc.

"The patient was stable mabuti na lamang ay nadala agad sya dito sa ospital dahil matindi ang naging infection sa kanyang utak." Paliwanag naman ni Doc pero hindi ko sya maitindihan. " Nagkaroon ba sya ng amnesia or short term memory loss?" Tanong naman ni Doc sa amin.

"Bakit po, Doc?" Tanong ko.

"Sa tingin ko bumabalik na ang memorya ng patient, masyadong nabigla ang kanyang utak kaya na passed out sya after nyang makaalaala. " Nagkaalaala na sya? So bumalik na si Jia?

"So sa ngayon ayon pa lamang po ang nakikita ko kay Ms. Yoon. Well if you two excuse me. " Sambit ni Doc at tsaka kami nagpasalamat sa kanya.

"Sana hindi pa huli ang lahat." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Yeoj. Anong pinagsasabi nya at ano yung hindi pa huli ang lahat.

Gusto kong itanong sa kanya iyon pero mas inuna muna namin tignan si Jeanie.

Nang makapasok kami sa ward nya ay mahimbing lamang syang natulog. Napakaganda pa rin nya, walang mintis mukha pa din siyang manika. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit kami nahulog ng kapatid ko sa kanya.

Sinimulan namang lumapit ni Yeoj sa kapatid nya at tsaka hinawakan ang mukha nito at hinalikan ang kanyang noo.

Sa totoo lang natutuwa ako na makita silang magkapatid na magkasama, simula kasi noong nagtalo ang kanilang parents kay Jia ay hindi man lang nakapag-paalam ng maayos si Yeoj dito hindi rin masabi ng kanyang dad dahil na rin sa chip na nakabaon kay Jeanie.

Kaya naman ganoon na lang ako natuwa para kay Yeoj na malaman kong nagkita na sila at hindi ko rin naman masisi kung bakit ngayon sya ganyan mag-alala kay Jeanie. Mahal na mahal nya ang kanyang kapatid.

Nung makita ko naman na okay lang si Jeanie ay lumabas na ako ng ward at tsaka pumunta sa rooftop ng ospital. Kailangan ko muna magpahangin para makapag-isip isip sa susunod ko pang hakbang.

Sumilong naman ako sa lilim dahil mainit na din ang sikat ng araw, sumandal naman ako sa pader at tsaka ipinikit ang mga mata ko.

Mga ilang minuto pa ay narinig kong may bumukas ng pintuan ng rooftop, hindi ko naman mapigilang mapangisi, tapak pa lamang nya ay kilalang-kilala ko na.

"Hindi ka pa din nagbabago mas gusto mo pa din tumambay sa rooftop." Iminulat ko naman ang mga mata ko at tsaka sya tinignan.

"Wala e, nakasanayan ko na din." Sambit ko at tsaka ko ibinulsa ang mga kamay ko sa pantalon ko.

"Ang tagal mong nawala, bakit ngayon ka lang nagparamdam?" Tanong nya. Naisip ko simula noong mawala ako ay hindi man lang ako nakapag-paalam sa kanya. Isa sa mga matalik na kaibigan ko si Yeoj. Hindi ko rin sya masisisi kung magagalit sya sa akin kung bakit ako nawala ng hindi nagpapaalam sa kanya.

"Sorry dahil hindi ako nagpaalam sa iyo, gusto ko lang makalayo at para na rin kay dad." Sambit ko.

"What do you mean?" He asked.

"Si dad, gusto nyang pangalagaan ko ang kompanya nya. Pumayag ako dahil sya na lang ang meron ako noong panahon na iyon. Pero pinlano ko rin naman bumalik." Panimula ko.

"... Kahit pa kahit gaano ako kaabala nung time na iyon ay gumagawa ako ng paraan para magkaroon ng update sa inyo, kay Jeanie, kay Michael at lalo na sa iyo, Yeoj." Nanatiling tahimik lamang si Yeoj at pinapakinggan ako, tumingin naman ako sa langit at tsaka ipinagpatuloy ang pagkukwento sa kanya.

"Nalaman kong nagkakamabutihan na sila Michael at Jeanie, masaya ako para sa kanila. Kahit pa mahal ko din ang kapatid mo. Bestfriend ko sya at mahal ko ang kapatid ko, mas bagay sila. But suddenly, nalaman ko ang nangyari sa kapatid ko." I started to clenched my fist hardly. "That Mafia King, he killed my brother. Hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya, papatayin ko sya!" Matapos kong sabihin iyon ay napakunot ang noo ko ng makita ko si Yeoj na prente lang nakatingin sa akin at walang ibinibigay na kahit anong ekspresyon sa akin.

"Kael, may kailangan kang malaman. " Napataas ang kilay ko sa sinasabi no Yeoj, what is he up to now?

"What, anong kailangan kong malaman?"

"About, Michael." Sa puntong iyon biglang lumakas yung kabog ng dibdib ko ngayon, hindi ko maitindihan kung bakit ko to mararamdaman ngayon, anong meron kay Michael?

"Anong meron kay, Michael?"

Unti-unti ay nababalot ng matinding tensyon sa aming ni Yeoj ngayon.

"Kael, i'm sorry but your brother... " Parang kinakabahan pa si Yeoj kung sasabihin nya sa akin yung tungkol sa kapatid ko. Fck! What's going on?!

"Michael, is still alive, Kael."

To be Continued....

--

Thankyou so much sa mga willing mag-antay ng updates ko. So ito na po, vote straight and down your comments para mas maging inspired si otor. O ayan na! Confirmed buhay na buhay nga si Michael. Thankyou bebes! :">

IFILWAG 2: The Notorious Revenge.Where stories live. Discover now