LXIII

10.2K 340 14
                                    


  Zila's PoV

Hindi pa man ako nagmumulat ng mata, napapangiti na ako.

I just had a very good dream. Sa panaginip ko daw tumabi si Zehel sa 'kin at yumakap pa nang mahigpit. I swear I could smell his mint chocolatey scent. In fact, naaamoy ko pa rin siya kahit gising na ako.

Naaamoy ko siya sa unan ko.

But of course, it was just a dream so I just stretch my arms and yawn.

"Haaaaaay. Strange ah, hindi ata malamig ngayon compare kagabi---"

Napatigil ako sa pag-unat, may natamaan kasi ang kamay ko. Nagmulat ako ng mata at doon ko nakita ang isang pigura na balot na balot ng comforter at nakahiga sa tabi ko.

"Huh?"

Kinapa ko ang pigura at walang babalang hinikit ang comforter pababa. Nahigit ko ang hininga ko nang tumambad sa 'kin si Zehel na himbing na himbing ang tulog.

Napanganga na lang ako.

Ibig bang sabihin... hindi panaginip 'yun? Na totoong tumabi talaga si Zehel sa 'kin kagabi? At... at... yumakap pa siya sa 'kin?

Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil nanganganib umatungal si GodZila sa loob ko sa sobrang kilig.

Anak ng sampung tokneneng naman!! Anong nangyayari sa Bunny Hubby ko? Bakit bigla siyang naging ugaling tao? Tinabihan pa niya ako!

Pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa pagtitig sa natutulog na lalaki. Bihira lang ang mga pagkakataong ganito. Na matititigan ko siya na di niya ako sinisimangutan.

He was really cute when he's sleeping. Gulo gulo ang buhok niya. Zehel's like a child. Last time I saw him sleeping, mukha siyang pagod na pagod. Pero ngayon, peaceful at magaan ang aura niya. Na parang sapat ang naging tulog niya at nanaginip pa siya nang maganda.

Gumaan ang pakiramdam ko.

Bago ako tuluyang bumangon ay dinampian ko ng halik sa pisngi si Zehel tapos ay dahan-dahan akong bumaba sa kama.

Palabas na ako ng kuwarto nang biglang may magsalita...

"And where do you think you're going?"

Halos mahulog ang puso ko nang marinig ang tinig ni Zehel.

When I turned around, I saw him trying to sit on bed while scratching his eyes.

"Matapos mo akong halikan, iiwan mo ako?" dagdag pa niya bago ako kinunutan ng noo.

"Ay grabe! Para kang si Sleeping Beauty, nung hinalikan... nagising bigla!" angal ko para itago ang pagkapahiya.

Bumangon na rin si Zehel sa kama at naglakad papalapit sa 'kin. Medyo scary ang expression ng mukha niya. Scary kasi nung ngumiti siya... parang tinubuan siya bigla ng sungay. Sampu agad.

"Goodmorning husband!" Bati ko agad. Wala kasi akong maisip na sabihin.

But he still walk towards me and when he came face to face with me, hindi na ako nakapalag nang hawakan niya ako sa pisngi ko at biglang halikan...

SA LABI KO!!

Nanlaki ang mata ko sa gulat.

Malalim ang halik ni Zehel. Para siyang pating na sinalakay na lang ako bigla dahilan para hindi na ako makatakas pa. May kasamang panggigigil ang halik niya na parang gusto niya akong kagatin. But all in all, it was still gentle and sweet.

Nakakabaliw.

Kung kelan gaganti na sana ako nang halik at tsaka naman siya bumitaw. Napatanga tuloy ako.

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon