LII

10.5K 357 38
                                    


  Zila's PoV

Things were gotten more and more complicated, I know. Sabi nga ni William... 'That's a disaster!'

Alam ko namang disaster nga ito simula pa lang. We started wrong, Zehel and I. Or at least, sa panig ko, mali na talaga ang lahat. Zehel was just flowing in accord to his plan. Wala siyang ideya na ako si Zila. Kaya sa palagay niya, tama ang lahat.

Uggh! Ano nang gagawin ko? Hindi naman ito ang ginusto ko. Paano na pag nalaman ni Zehel na hindi ako si Liza?

Tsk! Mukhang malabo namang mangyari na malaman ni Zehel na ako si Zila... Remember, nahanap na ni JM si Liza. Ibig sabihin, katapusan na rin ng pagpapanggap ko.

Oras na makausap ko si Liza, babalik na sa normal ang lahat. Liza will be glad to be Zehel's wife. Mahal ng kakambal ko si Liza eh.

Uggh! Bakit parang may sumakit sa dibdib ko dahil dun? Tsk!

Zila! Get a grip and grit your teeth! Hindi ka dapat magkaganyan. Hindi ka dapat masaktan! Ma-excite ka dapat dahil mahahawakan mo na uli ang camera mo! Makikita mo na uli ang mga zebra at chimpanzee sa Africa!

Tssh!

Tinampal-tampal ko ang pisngi ko habang naglalakad sa pasilyo ng fourth floor. Iniwan ko na rin kanina si William dahil may tour pa sila, pero kinuha niya ang contact number ko. Text-text daw kami.

Kapag nalaman daw ni Zehel ang totoo, at sinaktan daw ako ng asawa ko, text ko lang daw siya at siya na daw ang bahala kay Zehel.

Psh! As if naman kaya niya ang asawa ko... eh halata namang idol na idol niya si Zehel. Kung babae lang si William, baka isa siya sa mga sawa na lumilingkis sa asawa ko. Hahaha!

Tsk!

Bahala na nga! Isusuntok ko na lang sa buwan ang lahat ng mangyayari sa hinaharap. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. Kung bakit... parang ayaw ko na yatang mahiwalay kay Zehel.

Haisst! Asan yung pader? Kailangan ko nang iumpog ang ulo ko.

Lumapit ako sa isang pinto. Gawa yun sa fiber glass at sigurado ako na matigas yun. Wala namang tao sa paligid, panahon na para magising ang natutulog na reptile sa loob ko.

Sumalida ako para iumpog ng malakas ang ulo ko.

Heto naaa!!

Inihanda ko ang ulo ko sa impact ng salamin sa noo ko...

Kaso...

Bumukas bigla ang pinto.

Hindi ko na nagawang pumreno. Sumalubong ang noo ko sa pigura na palabas ng pinto...

Ang nag-iisang lalaki na laman ng isip ko ngayon.

SI ZEHEL... na nagulat nang makita ako.

"Liza?!"

Huli na. Sumalpok ang noo ko... sa baba niya.

*togs!*

Sabay kaming napaatras ni Zehel sa impact ng banggaan ng noo ko at baba niya.

"HUTANG INA!! ANG SAKIT!!" sigaw ko sabay hawak sa noo ko. Napaupo ako sa sahig.

Sapo naman ni Zehel ang baba niya at narinig kong malakas siyang napamura.

"#%&*+@#+&%$*$!!!"

Translation: Masakit!

"#$%&*&+@#*%$!!!"

Translation ulit: Tanga mo!

Napatitig lang ako kay Zehel habang nagmumura siya. He was so cute while chanting. Nakakunot ang noo niya at masama ang tingin sa 'kin. Nabatubalani na naman tuloy ako. Hindi ako makatayo sa pagkakaupo sa sahig.

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon