XVII

9.4K 342 7
                                    

Zila's PoV

Okay. Ayoko mang aminin, pero sige... aamin na ako, masakit man ito sa pride ko.

Mga bebe... help! Naliligaw ako!!! Gaaaah!

Ang yabang-yabang ko sa pagsasabing alam ko ang pasikot-sikot dito sa San Jose pero heto at paiyak na ako.

Gabing-gabi na at di ko pa nakikita ni tuktok ng building na siyang alam kong tinitirhan ni JM. May apartment kasi siya dito pero nagtataka ako bigla na lang yung nawala? Nilamon ba ng lupa ang apartment building na yun? O talagang maling lugar lang yung napuntahan ko.

Dapat talaga tinawagan ko muna si JM. Ang kaso lang... nagpalit na siya ng number at di ko alam kung ano yung bago niyang contact. Hay Zila, isang tumpok ka ng tonta!

Tsk! Pano na ako ngayon?

Ah! Bibili na lang ako ng mapa! Tamang-tama may nakita akong convenience store, baka may mapa dun!

Tiningnan ko ang wristwatch ko... 9:45 na. Kanina pa pala ako naliligaw at kanina pa rin ako lakad ng lakad. Tiyak na masisigawan na naman ako nito ni Monster Zehel.

Ah! Bahala siya. Pakialam ko ba sa lalaking yun.

Pumasok na lang ako sa loob ng Convenience Store at naghanap ng mapa. Kaso talaga nga yatang may balat ako sa puwet, ubos na raw yung tindang mapa dun. Huuu! Zila, pinagpala ka talaga sa babaeng lahat, at pinagpala din naman ang yung asawang ungas!

Aaargh!

Nagtanong ana lang ako sa isang matandang babae na namimili din sa store. Tinanong ko kung saan ang daan kung babalik ako sa Aiden. Nagulat pa nga ang matanda at tinanong kung doon ako nakatira, sinabi kong oo at tinuro din naman ng babae kung saan ako pupunta. Nagpasalamat ako tapos lumabas na rin ako ng store.

Naglakad ako papuntang St. Jude's Park dahil sabi nung matanda, may mga cab daw na dumadaan dun papunta sa San Francisco Bay Area. Mag-ingat nga lang daw ako dahil kalimitan sa mga drivers kapag nalamang taga-Aiden ang pasahero ay pinapagsamantalahan.

Kaso... hindi pa yata ako nakakasakay ng cab eh... mapapagsamantalahan na ako.

NAng mapadaan kasi ako sa Park, may grupo ng kalalakihan ang sumunod sa 'kin. Halatang mga adik sila at bangag sa ipinagbabawal na gamot kaya natakot ako.

Oo, matapang ako. Pero iba na ang usapan pag naka-drugs na ang kalaban... dapat dun...

Takbooooo!!!

"Hey fvck baby, don't run!!" sigaw ng isa sa mga lalaki.

Kumaripas ako ng takbo palayo sa mga sumusunod sa'kin. Kaso hinabol nila ako, at dahil minamalas ang inyong lingkod na bida sa istoryang 'to, nagkamali ako ng daan na nilikuan. Backstreet ang napuntahan kaya natural na mas madilim dun.

At hindi lang basta madilim... dead-end din! Shit!!

Habol ko ang hininga ko nang maabot ko ang dulo ng kalsada. Wala akong lulusutan. Nang lumingon ako sa mga lalaki, nakita kong naabutan na nila ako.

At automatic na nagngitian sila na parang mga baliw. Gosh! Kinilabutan agad ako.

-----

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon