Chapter 18: The Recorded Voice

Start from the beginning
                                    

"Sisiguraduhin ko na ako ang magiging hari. Ako lang dapat mamuno sa Astria at kapag nangyari 'yon, papahirapan ko mga konseho na 'yan. Magdudusa sila. I'll f*cking kill them!" muli nitong sigaw at tawa. 

Napabilog ang mga mata ko. Baliw na nga talaga siya. Malaking tulong 'to para mapabagsak si Ross. Sisirain namin pantasya niya.

"Whoa, ang intense!" manghang sabi ni Isla.

"Sakto ito sa meeting, mahal na prinsipe," sagot naman ni Dustin.

"Meeting?" takang tanong ko.

"May meeting na gagawin. Hindi lang sa konseho kundi para sa lahat ng Astrians. This is our chance to ruin Ross," sagot ni Clyde.

"Hmm? Maraming tao, maraming nakabantay. Paano ninyo mapapatunog ang recording?" takang tanong ni Isla. Childish lang si Isla na bipolar pero halatang matalino ito.

"Ako na lang gagawa, Prinsipe Clyde. Hahanap ako ng paraan para makapasok sa control room," sagot ni Dustin.

"Then, that would be obvious, kapag nahuli ka, kay Prince Clyde ang sisi," natatawang sabi ni Isla.

Tila naiinis si Dustin at masama ang pinukol kay Isla. "E' di ikaw, pinilit mo naman sumama sa gulong ito kaya ikaw ang gumawa."

"Why would I? Hindi ako sumama rito para utos-utusan lang."

Nabaling na lang ang tingin namin ni Clyde sa dalawa na mukhang walang balak magpatalo kaya sumingit na ko sa kanila. "Ako na lang ang gagawa." Napahinto sila sa pagtatalo nang sabihin ko 'yon. Napatingin din si Clyde sa 'kin na nakataas ang kilay.

"Hindi pwede mahahalata nila na wala ka sa meeting," kontra ni Dustin.

"I can manage." Lalo na't may natutunan akong bagong kapangyarihan. Gusto ko itong subukan.

"Okay then, ikaw ang gagawa." Nadako ang tingin namin tatlo kay Clyde. Hindi ko akalain na papayag siya. Mukhang may tiwala na siya sa 'kin kahit papaano. Napatigil din nang pamimilit si Dustin.

Pagkatapos nang napag-usapan ay unang lumakad paalis si Isla.

"Sa tingin ninyo ba, mapagkakatiwalaan siya?" seryosong tanong ni Dustin habang nakatingin kay Isla.

"We have no choice," sagot ni Clyde na sinang-ayunan ko.

---

Ilang araw bago sumapit ang meeting ay kinausap ko si Isla sa palasyo nito.

"Isla, hihingi sana ako ng tulong para sa recording."

"Paano kung ayoko? Hindi ako sumama sa inyo para utusan lang," mataray na saad niya.

"Maghahanap ako ng ibang solusyon. Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin." Kailangan ko maghanap pa ng iba. Sinubukan ko lang siya kasi baka mapapayag ko siya kaso hindi pala. 

Paalis na ko nang marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko. "Wala naman akong ginagawa, Princess Celestine. How can I help?" tanong niya kasabay nang mahinhin na tawa.

Napabuga na lang ako ng hangin. Kahit pabago-bago ito ng ugali ay parang nasasanay na ko sa kanya. Sa pagiging childish niya pagkatapos biglang magiging masungit at seryoso.

Sinabi ko sa kanya lahat ng plano ko at mukhang natuwa naman siya.

"I'm so excited!" magiliw niyang sabi. 

---

"Are you ready?" tanong ni Clyde habang nasa loob kami ng meeting room.

Crown of AstriaOn viuen les histories. Descobreix ara