Chapter 43: Unrecognized

6.7K 392 33
                                    

Chapter 43: Unrecognized

Binitawan ni dad ang braso ko at halos mapaatras sa sinambit niya. Ito ba ang sinasabi ni mom sa panaginip ko? Napailing na lang ako. Imposibleng makuha ko ang ganoong ability. Hindi ko pa ito nagagawa kaya malamang hindi ito ang tinutukoy ni mom.

Tumikhim si dad kaya natigil ang iniisip ko at iniba niya ang usapan. "Ilang taon ko siya pinahanap habang namumuno na sa Marren hanggang sa dumating si Aling Nena rito na pinagkakatiwalaan ng iyong ina. Sinabi nito ang lahat nang nangyari sa Astria."

Tahimik lang ako nakikinig.

"Sinabi nito na matagal nang namatay si Ashleigh sa isang sakit kaya ang lola mo ang nagpalaki sa'yo. Tinago ka nila sa ibang apelyido para walang makaalam na anak ka niya. Hindi rin nila ipinaalam sa akin dahil akala nila nagtaksil ako sa iyong ina."

Nagtaksil siya kay mom? Naguguluhan akong tiningnan si dad.

"Sinabi ni Aling Nena na nakikita raw ako ni Ashleigh na may ibang babae. Kahit naman wala." Malungkot siyang tumingin sa akin.

"I love your mom and I promised her that I'll keep loving her until the end. Kaya hindi ko magagawa ang binibintang nila. Humingi kami ng tulong sa mga wizard rito at nalaman ko na pinainom ng dati namin tagasilbi ang asawa ko para magkaroon ito ng hallucinations. Marahil ay gusto rin makuha ang libro."

Napaawang ang aking bibig sa narinig ko. Naawa ako sa sinapit ni dad at mom.

Bigla na lamang ako napayakap kay dad kasunod nang pagyakap niya pabalik. Kahit hindi ko siya matagal na kasama. Alam ko ang ginawa niya ang lahat para sa amin ni mom. Pero sadyang malupit ang tadhana at nilayo kami sa kanya.

"Anak, patawad at wala akong nagawa sa nangyari sa lola mo. Dahil kay Godric namatay siya at muntik nang mamatay ang kaisa-isa kong anak." Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni dad. "No'ng panahon na akala ko patay ka na, agad kaming sumugod kay Godric, pero sadyang may agimat siya kaya hindi ito natuluyang namatay."

Napaalis ako sa yakap ni dad. "Ano pong meron sa kanya?" naguguluhan kong tanong.

Umiling siya. "Hindi ko alam pero sigurado akong may prumoprotekta sa kanya. Hindi ko lang alam kung sino."

"Pero po gusto kong kunin ang hustisya sa Astria. Hindi ko hahayaang may magdusa pa ng dahil sa kanya. Kailangan niyang mapaalis sa pwesto. Kailangan niyang makulong," determinado kong sabi.

Napangiti si dad sa sinabi ko. "You're just like your mother. Pero nandito ka sa Marren at nakalagay sa batas na hindi ka pwedeng makigulo sa problema ng ibang kaharian o imperyo. Maliban na lang kung magiging empress ka sa Marren at makukuha mo ang loob ng taga-rito, hindi ka mahihirapan na alisin ang batas na 'yon."

"Hindi po ba pwedeng kayo na lang magtanggal?"

"Wala akong pakialam sa kaharian na 'yon dahil dito na ko namumuno. Pero kapag ikaw ang namuno rito, pwede mong magawang tulungan ang Astria."

Napalunok ako. Wala akong maintindihan kung ano ang binabalak ni dad. Pero, kung ito ang paraan para matulungan ko ang Astria, gagawin ko. Dumiretso ang tingin ko kay dad. "Gusto ko pong mamahala sa imperyong ito."

Ngumiti ito. "Good to hear that, Ash." Mukhang kailangan ko nang masanay sa tawag ng taga-rito.

Kinuha niya ang bell sa mesa at pinatunog ito kaya agad na pumasok ang isang kawal. "Kumpleto na ba ang konseho?" tanong ni dad.

"Opo, kamahalan."

Sumunod ako kay dad na naglakad palabas sa library. Bumaba kami sa isang mahabang hagdan hanggang sa huminto sa napakalaking pinto na may nagbabantay na kawal.

Crown of AstriaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin