❤ With You [ ONE SHOT ] ❤

60 3 0
                                    

Raphiel's POV

Argh! Ka stress talaga! Pang fourth day namin bukas para sa aming examination. And that means magsusummer na.

Nasa kwarto ko ako ngayon, sa study table ko. Dito ako nagrereview. May dalawang books pa akong dapat na reviewhin at tatlong notes pa.

Napabuntong hininga ako. Minasahe ko ang sintido ko't napapikit ng mariin. Ang sakit ng ulo ko pati mata ko!

Naramdaman kong may humaplos sa pisngi ko kaya napamulat ako. At bumungad sa akin ang mukha nakangiti na pinaka dahil napaka ubod ng gwapo.

Napatitig ako sa mukha ni Chester. Those thick eyebrow, brown deep eyes, pointed nose, soft thin kissable lips idagdag mo pa ang jawline niya! What a perfect handsome face structure he have!

Napahinto't napasinghap ako sa pagtitig sa kaniya nang maramdaman ko ang paghinga niya sa leeg ko. Napalunok ako, ang init ng hininga niya. I shake my head. Ngunit napakong muli ang mga mata ko sa mga mata niya. Kaya naka eye to eye kami.

Napangiti din ako't hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko. Hinalikan niya ang noo ko kaya napapikit ako. Ang lambot ng labi niya.

Fourth year ako while siya naman nasa fifth year na. He's one year older than me.

"Love?! Why are you here? Dapat nandun ka lang sa bahay niyo para magreview!" Nag pout naman ako. Siyempre 'di ko mapigilang makilig kaya i know pulang pula na naman ang pisngi ko.

"I came here because of you. Gusto kasi kitang dalawin tsaka bantayan. I want to be beside you para protektahan ka. And most of all, miss na miss na kita." Aniya saka niya ulit ako hinalikan sa nose tip ko naman. "Tsaka don't worry about me, love. Dapat mangpahinga din naman tayo, 'di 'yong palaging libro ang kaharap mo dapat ako din." Pagbibiro naman niya. "But at the same time, dapat tayong mag aral ng mabuti. For our future." Dugtong pa niya saka siya ngumiti sakin.

"Ehh pero--" magrereklamo pa sana ako pero pinutol niya ang dapat kong sabihin dahil hinalikan niya ako sa aking labi. Pero smack lang iyon. Binigay niya sa akin ang isang boqouet of roses at may isang box pa ng ferero roche na heart shape pa!

"Aww, thanks for these! Hindi mo naman kailangan pang bumili ng mga ganto eh. Nagsasayang kalang ng pera. Porke mayaman eh..." Sabi ko't napailing. Inamoy ko ang mga pulang rosas. Alam na alam niya talaga kung ano ang paborito kong bulaklak.

"Sa ayaw at sa gusto mo, bibilhan at bibilhan parin kita ng roses at chocolates. That's what I want. Gusto kitang ligawan araw araw kahit tayo na love. I want you to feel my love for you. By the way, tapos ka na mag review?" Litanya niya. I can't help it but to smile. Halos kagatin ko na nga tong roses dahil sa kilig eh. Actually everyday naman siyang ganto sakin, pero iba parin talaga yung bigay niyang saya at kilig na pinaparamdam sa akin.

"Hindi pa nga eh! Pagod na akong magreview! Ansakit na ng mata kong magbasa pati utak kong kanina pa nagdudugo dahil sa dami ng mga dapat kabisaduhin. Feeling ko mamatay na mga brain cells ko sa dami nito jusko!" Reklamo ko. Napangiwi ako, tumawa naman siya.

"You should and you have to take a rest for an hour naman kase love, 'di yung diretsong ganyan talagang sasakit ulo mo niyan. Ilang oras ka ng nagre review?" Siya naman ang nagmasahe sa sintido ko. Napapikit ako dahil masarap siya magmasahe at isinunod niya naman ang likod ko. "Did you eat your lunch?" Sabi pa niya ng may bahid ang boses niya ng pag aalala.

Tumango tango lang ako pero napailing sa huli kaya naman napakunot ang noo niya.

"Alam ko, pero masyado atang matagal ang isang oras na pagpapahinga ko. Baka di ko matapos ang pagrereview ko. Mga six hours na siguro akong nagrereview. Kumain naman ng ako ng breakfast kanina eh. Busog pa ako." Giit ko. Narinig kong napa 'tssk' pa siya't umiling.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

With You [ ONE SHOT ]Where stories live. Discover now