Desyembre 30 na ngayon at bukas nga ay bisperas na ng bagong taon. Halos wala ring tao dito sa boarding house dahil nagsiuwian ang mga ito sa kani kanilang probinsya.
Naglalampungan lang kami dito ni Zarex. Minsan ay yumayakap ito sa akin saka manggigigil na parang may yakap lang na marshmallow. Ginawa pa akong unan. Minsan ay kinakagat nya rin ang aking balikat habang busy ako kakafacebook.
Minsan ay nagnanakaw na lang ito ng halik sa iba’t ibang paraan. Nandyan yung sobrang busy mo pero magtatawag sya ng pangalan kaya naman lilingon ka sabay halik sayo. O kaya naman ay bigla bigla na lamang itong nandadagan at hahalik ng mabilis. Ewan ko ba, 18 na sya pero parang isip bata pa rin.
Ganun lang ang aming ginagawa sa buong maghapon. Gulong dito, gulong dyan. Hindi ko na nga namalayan ang oras na lumilipas dahil na rin dito kay kumag na minsan ay nagjojoke pa na corny naman. Pero kahit papaano ay napapangiti na lang ako.
Mga alas kwatro ng hapon ay nakareceive ako ng message kay mama na nagpadala raw ito para sa aking allowance next month. Hindi na daw kasi bukas ang mga kwarta padala bukas dahil nga bisperas na ng bagong taon kaya naman ngayon na sya nagpadala.
Agad agad naman akong tumayo para magbihis. Casual lang ang isinuot ko. Puting tshirt lang at shorts at cap. Nagtaka naman ang kumag kung bakit ako nagbihis kaya nagtanong ito.
“Uy tol, san punta mo?” tanong nito.
“Ah sa mall. Nagpadala kasi si mama ng allowance kaya kukunin ko. Gusto mo samahan mo ko.” Masaya kong sabi. Actually, ineexpect ko na sasama ito dahil palagala sya at gusto ko ring magdate kami dahil nakakaurat dito sa kwarto.
“Hindi na. Dito na lang ako. Pagod ako tol eh.” Pagtanggi naman nito kaya bumagsak ang aking ngiti. Akala ko pa naman sasama. Umasa pa ako. Buset.
“Wow, pagod? Eh nakahilata ka lang naman maghapon noh!” panenermon ko sa kanya.
“Bakit ba? Pagod nga ako eh. Kaya mo na yan, malaki ka na. 19 ka na nga eh.” Depensa naman sya kaya’t hindi na ako nakipagaway at gumayak na. Tss, ngayon na nga lang mag-aaya lumabas, tumanggi pa. Tangina.
Pagdating sa mall ay nakuha ko naman agad ang sinasabi ni mama. Mabilis lang naman ang proseso dahil konti lang naman ang pila.
At dahil nga inis pa rin ako kay kumag at bored pa rin ako ay naglibot libot na lang muna ako sa mall. Hindi naman ako bumibili pero nakakatanggal lang ng stress kapag naglalakad ka.
Bumili rin ako ng iced coffee dahil paborito ko ito sa isang sikat na coffee shop. Hindi ko namalayan ang oras dahil nawiwili ako sa paglilibot. Alas syete nap ala ng gabi. Hindi pa naman ako nagugutom.
Maya maya ay biglang may nagpop up na message sa phone ko. Pagtingin ko ay si kumag ito. “Hoy! Asan ka na? Gabi na ah. Umuwi ka na at baka marape ka pa dyan. Ako dapat unang makakavirgin sayo no.” tingnan mo. Kahit sa text ay malibog pa rin ito at libog pa rin ang nasa isip nya.
Wala na nga akong nagawa dahil sunod sunod pa ang text nito na akala mo ay lumayas ako. Tumawag rin ito at binulyawan pa ako sa cellphone. Langya.
Sumakay ako ng taxi papunta sa boarding house. Hassle kasi kapag jeep.
Nang nakarating ako sa unit namin ay pansin kong may isang coupon na nakalapag sa sahig at nakatapat sa pinto. Pinulot ko ito saka binasa.
“#TeamKhyRex Forever.” Ayan ang nakasulat.
Gago ka Zarex. Alam na alam mo kung paano ako suyuin ah. Baka natunugan nya na inis ako sa kanya kaya nagpaganto. Effective naman dahil nawal ang inis ko sa kanya at napalita ng pagkatuwa. Kinilig naman ako dahil dito.
Nakatingin pa ako sa papel at nakangiti pa habang marahang binubuksan ang pinto. Pagpasok ko ay nagulat na lamang ako ng biglang may naggigitara.
Pagtingin ko ay si Zarex ito. Nakaupo sa kama habang nagsstrum sa gitara. Nagulat naman ako. Hindi ko alam na marunong pala itong maggitara.
Maya maya ay nagsimula na nga itong kumanta. Tumingin pa ito sa akin saka kumindat at ngumiti. Kinikilig ako, puta. Nyeta ka Zarex, ikaw lang ang lalaking nagpadama sa akin ng ganito.
Hanging By A Moment (Lifehouse) [Ganyan na rin yung singing voice ni Zarex, kay?]
I'm desperate for changing
Starving for truth
I'm Closer to where I Started
Chasing after you
I'm falling even more in love with you
Letting go of all I've held onto
I'm standing here until you make me move
I'm hanging by a moment here with you
Forgetting all I'm lacking
Completely incomplete
I'll take your invitation
You take all of me
Now I'm falling even more in love with you
Letting go of all I've held onto
I'm standing here until you make me move
I'm hanging by a moment here with you
I'm livin' for the only thing I know
I'm running here and I'm not quite sure
Where to go?
And down I know I'd like to be in tune
Just hanging by a moment here with you
There's nothing else to lose
There's nothing left to fly
There is nothing in the world that can change my mind
There is nothing else
There is nothing else
There is nothing else
I'm desperate for changing
Starving for truth
I'm closer where I Started
I'm Chasing after you
I'm falling even more in love with you
Letting go of all I've held onto
I'm standing here until you make me move
I'm hanging by a moment here with you
I'm livin' for the only thing I know
I'm running here and I'm not quite sure
Where to go?
And down I know I'd like to be in tune
Just hanging by a moment here with you
Just hanging by a moment
Hanging by a moment
Hanging by a moment here with you
Napapangiti na lang ako habang kumakanta ito. Napakasweet ng kanta at bagay na bagay sa kanya.
Pagkatapos ay lumapit ako sa kanya at ako na mismo ang humalik sa kanya. “Thank you.” Sambit ko matapos ko syang halikan.
“Para sayo yon. Nagustuhan mo ba?” tanong nya.
“Oo naman. Gustong gusto. Alam mo bnag wala pang nangharana sa akin noon? Mapa babae man o lalaki. At ikaw ang gumawa non kumag ka. Natouch ako sa kanta dahil ang ganda mg mensahe nito. Kahit saan tayo magpunta ay nandito lang ako, para sayo. At katulad nga ng sinabi sa kanta, masasabi ko rin na I’m falling even more inlove with you, Zarex.” Masaya kong tugon.
“Naks naman. Sasagutin ko naman yan ng There’s nothing in the world that can change my mind dahil ikaw lang ang nasa isip ko Khy. Kaya sana ay sagutin mo na ako sa tamang panahon. Para naman mabuntis na kita.” Tumatawa nya pang sagot.
“Ulol! Teka nga pala, san mo nakuha yang gitara? At hindi ko alam na marunong ka pala gumamit nyan.”
“Nakuha ko yang gitara dyan sa kaboardmate natin. Hiniram ko sandali. Tsaka marunong naman ako talaga, sadyang tatlo lang ang alam kong tugtugin hahaha!” pagsagot naman nito saka ako yinakap at inihiga sa kama.
Nagtama ang aming paningin. Nangiti na lang ako dahil merong isang Zarex na nadyan sa aking tabi na handing mag-alay ng pagmamahal para sa akin. At alam kong hindi nya ako iiwan sa ere. Masaya ako na nakilala ko sya at sa palagay ko ay ganun din ito. Kaya naman nakakasiguro ako na malapit ko na itong sagutin dahil ngayon, alam ko na sa sarili ko na mahal ko nga ang kupal na ‘to.
Itutuloy...
YOU ARE READING
It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)
HumorAng buhay ng tao ay parang byahe sa bus. Minsan payapa ang byahe, minsan may nadadaanang lubak, minsan may sumasakay sa iyong byahe, minsan may papara pero di naman pala tutuloy, minsan nasisiraan at kailangang ayusin sa daan, minsan kailangang mags...
24: Gitara
Start from the beginning
![It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)](https://img.wattpad.com/cover/62201390-64-k434597.jpg)