"A-anong ginagawa mo dito?" he asked before covering his body with his shirt. Dahil maputi siya, halos magkulay kamatis na ang buong mukha niya. Dinaig pa niya ang reaksyon ng babaeng binosohan.

I felt a little sad when he covered his body. It's a woman's instinct to stare at a guy's body especially if it's worth staring at. Mga tulad lang ni Emily ang magtatakip ng mata na parang reproductive organ na ng lalaki ang nakita.

"Sa sobrang perpekto mo, pwede na kitang pagawan ng rebulto."

His eyes widen and he took a step back. Maski ako nagulat sa mga salitang lumabas sa bibig ko pero hindi ko pinagsisihan. I stated a fact and I like Spencer's reaction. The first time I saw Spencer, I didn't know he had this heavenly body. Parang wala sa mukha niya ang pagwo-work out.

"Hala, pasensya na may hinahabol kasi ak—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang mahagip ng manok ang atensyon ko. The damn thing was standing on the window's frame, and I don't know if this is a withdrawal syndrome of me not being able to smoke, that the thing looked at me before jumping off the window. "Fu... Puta!"

"Ivanna..."

Mabilis akong umalis sa silid at iniwan si Spencer. I'll apologize to him later. My top priority right now is to catch that outlaw dahil sawang-sawa na akong kumain ng mga halamang-ugat.

Dali-dali akong lumabas ng bahay at pumunta sa tinalunan ng manok. Hinihingal kong inilibot ang tingin sa paligid para hanapin ang manok.

"T-there you are!" I said when I saw the thing running towards the bushes.

Our chase ended when I cornered the thing right next to a huge tree in, what seems to me, a garden. Pinulot ko ang manok at binigyan ito ng napakalawak na ngisi. "Huli ka, balbon."

The chicken just cocked its head and stared at me with its round eyes that doesn't even blink. "Grabe kang manok ka. Pinagod mo ako. Deserve mo talagang maging tinola mamaya. Lalo na't malamig na ang panahon. Naku!" Inilibot ko ang tingin sa paligid. There is a small field right in front of me. May nakatanim na iba't ibang uri ng gulay— petchay, talong, okra at lahat na siguro ng nasa bahay kubo. Napapalibutan pa rin ng mga kakahuyan ang taniman. Sa 'di kalayuan naman ay may kulungan ng baboy na gawa sa kawayan at kahoy. Kulungan nga ng baboy pero wala namang laman. "Tignan mo kung sa'n tayo inabot. 'Di ko na alam tong parte ng lugar na 'to. Kapag ako naligaw, ako mismo kakatay sa'yo."

Nilingon ko ang parteng dinaanan ko kanina. Siguro kapag sinundan ko lang 'yun makakabalik ako agad sa mansyon.

I sighed before sitting on the tree's huge roots with the chicken on my lap. "Pero siguro mamaya na ko babalik. Ang sakit ng paa ko." Tinignan ko ang sapin ko sa paa at napansin kung gaano kadaming putik ang dumikit dito. Sinamaan ko ng tingin ang manok, "Alam mo, bwisit ka sa buhay ko. Niligaw mo na ko, pinagod mo na ko, ano pa? Gugutumin?"

Alam kong hindi dapat ako naghihintay ng sagot mula sa manok, pero hindi ko alam kung bakit nagi-expect akong sasagot ito, "Alam mo para kang si Emily e. Kung 'di dahil sa kanya at sa pagiging madumi niya, 'di sana ako mamatay at mapupunta sa katawan ni Ivanna. Sana 'di ako ngayon naghihirap. Mahimbing sana akong natutulog sa malambot kong kutson. Sana 'di ako nagtitiis sa walang kuryente at boring na lugar na 'to. At isa pa, 'di ako relate dito e. Masyado silang makaluma, alam mo 'yon? For sure, 'di rin nila gets ang mga inside jokes ko, ang mga latest fashion trends, yung mga natitipuhan kong lalaki sa university. 'Di ba nakakabagot 'yon dahil wala man lang ni isang makakarelate sa mga topic na gusto ko? At pa'no ko rin maikukwento sa kanila 'yon e hindi naman nila ako kilal bilang Adeline. Tapos, nabigyan nga ko ng pangalawang pagkakataong mabuhay, mamatay din naman ako in nine months. Tapos gusto kong iwasang mangyari 'yon pero napakamisteryoso ni Ivanna kaya pa'no ko magagawa ang plano ko kung ang isang mahalagang info tungkol sa kanya ay wala ako?"

IvannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon