KABANATA 8

766 57 11
                                    

Nakatayo muli ako sa harapan ng salamin habang tinititigan ang mga pilat saking likuran. It's very unsightly. Ang pangit tignan. Siguradong kahit na sino ang makakita nito, mandidiri.

Hindi ko pa naitatanong kay Spencer ang tungkol dito. Hindi ako makakuha ng pagkakataon. Maliban kasi sa baka hindi niya alam ang tungkol sa mga pilat na 'to ni Ivanna, mukhang iniiwasan niya rin ako. Tuwing lalapit ako, nag-iiwas siya ng tingin at gagawa ng excuse para 'di kami magkausap.

Allergic ba siya sa salitang gwapo? Kasi nagsimula 'to four days ago. Tinawag ko siyang gwapo, hindi ba dapat maging masaya siya? I complimented him. Did he take it as an insult? Or kinilig siya? Kung gano'n, naiintindihan ko siya. Minsan kinikilig din ako sa sarili ko.

Umiling ako at nag-ayos. Sa apat na araw, wala man lang akong nalaman na bago tungkol kay Ivanna. Maliban sa hindi ko makausap si Spencer, abala ang mga tao sa mansyon para sa pagdating ng mga matatass na pinuno kuno ng grupo nila.

I sighed. "Isa pa 'yan," I whispered. Lumabas na ako ng silid at tinahak ang tahimik na pasilyo.

Bukas na magaganap ang pulong at hindi man lang ako handa. Wala man lang briefing sa kung anong role ang gagampanan ko dito. I am completely clueless. Sana man lang binigyan nila ako ng oras lalo na't alam naman nilang galing ako sa isang aksidente. Ganito ba ang mga rebeldeng grupo? Wala ba sa vocabulary nila ang salitang pahinga?

Kung pwede ko lang sanang sabihin sa kanilang nagmula ako sa hinaharap at hindi ako si Ivanna pero sino nga namang maniniwala sakin e napakaimposible nga naman ng ganitong pangyayari. Maski ako nga nahirapang paniwalaang napadpad ako sa katawan ni Ivanna.

Naikuyom ko ang kamao ko. "Naku, kasalanan talaga 'to ng Emily'ng 'yun!"

Ano ba talaga ang pumasok sa utak no'n at tinulak ako? Para lang sa isang lalaki handa siyang pumatay ng tao? Baliw nga talaga siya. Pare-pareho lang sila. I badmouthed Samuel and Amalia slapped me. Para bang hindi iniwan ang sariling pamilya para mapaligaya ang sarili. They should just rot in hell.

"Binibini!" Napahinto ako sa paglalakad at napatingin kay Constanza na nasa dulo ng pasilyo. Hawak-hawak nito ang dibdib at hinahabol ang hininga. "Y-yung manok..." Itinaas niya ang kamay at itinuro ang isang inahin na tumatakbo palapit sakin. "D-dakpin mo ang manok!"

"W-what?!"

"'Di siya pwedeng makatakas! H-hapunan natin siya!"

I blinked, what the fuck? Hindi na ako nagdalawang-isip. I crouched and spread my arms ready to catch the outlaw rooster.

I was sure to catch it but everything happened so fast and the next thing I know, the damn rooster escaped my grasp. Padabog akong tumayo at napakuyom ng kamao, "Ah gano'n, gusto mong makipaghabulan?" I rolled the sleeves of my dress upto my elbow. "Then habulan it is!" I said before running after the wild rooster.

"B-binibini!"

'Di ko na pinansin si Constanza at patuloy na hinabol ang manok. Sa manok ko nalang ibubunton lahat ng inis at frustration na nararamdaman ko. Umabot ako hanggang sa dulo ng pasilyo nang biglang lumiko ang manok sa nakabukas na pinto ng isang silid.

I paused. "Why is this thing so persistent in escaping its fate?" I whispered while wiping the sweat on my forehead. This thing is giving me a hard time.

I took a deep breath before barging into the room. Pero agad akong napaatras nang bumungad sakin si Spencer. Nakatayo siya malapit sa paanan ng kama hawak-hawak ang susuoting damit.

"I-Ivanna?"

I blinked. Hindi niya suot ang salamin niya sa mata at halatang kagigising lang dahil sa magulo nitong buhok. He looked tired, well that's how he usually is. He was only wearing his black pants with its button and zippers open. I could see the white sheet underneth it.  My gaze explored his exposed upper body. From his broad shoulder to his strong veiny arms down to his perfectly sculpted six-pack abs to his v-line down to his...

IvannaWhere stories live. Discover now