Chapter 1

9 0 0
                                    


"Nubayan, sayang naman, kala ko totoo na." nanghihinayang na sinabi ni Karren sa kanyang sarili habang nakatalumbaba.

At bigla siyang tinawag ng kanyang kaibigan papasok na sa kanilang class room.


"Karren! Dalian mo na, papasok pa tayo, baka malate pa tayo sa class room." nagmamadali itong tinawag ng kanyang kaibigan malapit sa kanilang classroom.

"Oo na!!! eto na, wait lang hintayin mo ako." pasigaw na sinabi ni Karren habang nag-aayos siya ng kanyang gamit.

Tumakbo si Karren papalapit kay Lyra at sabay na silang pumasok. Maya't maya nag-umpisa na ang kanilang klase at umupo na sila sa kani-kanilang upuan. Dumating na ang kanilang Professor....


"Good Morning Professor" masiglang bumati ang lahat.

"Good morning class." balik sagot nito sa kanyang mga estudyante. Okay magsiupo na kayo. Okay class, bago tayo magumpisa, may ipapakilala muna ako sa inyo. Mayroon tayong transferee...So magpapakilala siya dito sa inyong harapan kaya walang maingay. "Pasok ka" ang sabi ng professor. Nung papasok pa lang si Kyle, nakita ni Karren ang mukha nito at biglang napaisip siya..... 

"Parang nakita ko na siya before..." patagong nagtataka na sinabi ni Karren sa kanyang isip. "Ahhhhh!" biglang mabilis siyang napaisip. "Siya yung napanaginipan ko kanina, pero nakapagtataka naman." iniisp niya pa rin ito na parang hindi makapanipaniwala.

" ....go ahead." bigay sagot ng professor kay Kyle.

"Hi, my name is Kyle Frederickson, I came from another school then I transfer here. I was born in America but I grew up here in Manila. Don't worry nagtatagalog naman ako slight nga lang." seryoso siyang nagpakilala sa harapan ng mga kaklase niya..

"Dahil may bakanteng upuan dun sa dulo, dun ka sa tabi ni Lyra sa likuran." ang sabi ng professor habang nakaturo sa likuran.

Naglalakad na si Kyle habang papunta siya sa kanyang upuan. Nung nakaupo na siya sa kanyang upuan....pinaguusapan siya at pinagbubulungan ng mga kaklase niya na para bang nakakita ng artista dahil sa kanyang kagwapuhan. Kinatagalan, habang nagkaklase sila, nakatulog ng mahimbing si Karren sa kangyang arm chair. Nung mga time na yun, ginigising na siya nang kanyang kaibigan "Karren! Karren! Gising na! " nagmamadali siyang ginigising habang pabulong na sinabi at biglang lumapit ang professor sa arm chair ni Karren. Pinalo ang arm chair nito gamit ang stick na dala dala ng professor, nagulat siya at biglang nagising. Halos lahat ng kaklase niya ay nakatingin sa kanya. Ang itsura ng mukha nito ay hiyang-hiya sa kanyang sarili.

Matapos ang kanilang discussion, oras na nang kanilang break time....

Bell ringing....


"Tara karren, kain tayo sa canteen." ganadong niyaya ito ng kanyang kaibigan papuntang canteen.

"Okay." malungkot niyang sinagot ito.

Naghanap sila ng lamesa na pagkakainan nila. Umupo sila malapit sa may bintana. Naguusap sila habang kumakain...

"Myghad!" itsurang hiyang-hiya. " Ayaw ko na, hiyang-hiya na ako kanina..." malungkot na napayuko si Karren.

"Karren, okay lang yan. Don't mind it kung ano man ang nangyari kanina. Andito lang naman ako ehh, kaya ikain mo na lang muna yan." ang sabi ng kanyang kaibigan habang kumakain.

Why You're The 1Where stories live. Discover now