Prologue

6 0 0
                                    



Sa loob ng isang campus. May isang babaeng nagngangalang Karren, nag-iisip kung kalian darating ang kanyang first love.

Habang nagbabasa, naglalakad siya sa gilid ng school garden nang may biglang nakabungguan siyang lalaki sa daanan. Nalaglag ang libro niya, dadamputin na sana ito ni Karren, nang maramdaman niyang nagtagpo ang kanilang mga kamay. Galing sa libro, dahan-dahan siyang tumingala upang makita ang lalaking na hindi niya alam ay nakatingin rin pala sa kanya. Nagtagpo ang kanilang mga mata, pakiramdam ni Karren nag-slow motion ang lahat sa paligid niya na tila bang sa kanya lang umiikot ang mundo nito. Mga matang nakakatunaw, at labing gusto niyang hawakan. Hindi nila napansin na malapit na palang magkalapit ang kanilang mga mukha, dala ng kani-kanilang emosyon at kaunting inches na lang at magdidikit na ang kanilang mga labi-

"Ahh!" halos maalog ang utak ni Karren nang biglang may bumato sa kanyang ulo galing sa kung saan, na para bang sinadya ito upang magising siya sa katotohanan dahil lahat pala ng iyon ay panaginip lamang.

Why You're The 1Where stories live. Discover now