“HOY! MGA PUTANGINA NYO! GAGO KA ZAREEEXXXX! PAPATAYIN KITA!” sinigaw ko talaga yan ng pagkalakas lakas.pero sa halip na tumigil ay tumawa pa sila ng mas malaks, at ganun rin si Zarex.

“Hanep tol! Masaya ba?” natatawang tanong ng aking gagong kaibigan na si Ford. Isa pa ito. Kung alam ko lang na maaring isa sya sa mga promotor ay hinambalos ko n asana sa kanya yung upuan sa classroom. Punyeta.
“Hindeee gagoo! Itigil nyo na pleeaaasseee!” pagmamakaawa ko. Desperado na akong itigil dahil sobrang hiyang hiya na talaga ako. Feeling ko ay niyurakan ang aking pagkatao at pagkalalaki. Nakakabwas sya ng pogi points tol!

“Enjoyin mo lang Khy! Dito lang kami moral support o hahahahahahaha!” ayun. Di na nga natigil si Zarah.

“Oo nga, mahal bayad namin dyan no!” sabat naman ni Lester. Noon ay tuloy pa rin sa pagsasayaw yung lalake. Maya maya pa nga ay nabigla ako sa ginawa nya. Dinampot nya ang kamay ko sabay patong sa matigas nyang bukol.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya at agad ko rin namang binawi ito. Nagsigawan naman ang aking mga kaibigan dahil dun. Sa sobrang pagkahiya ay tinakpan ko na lamang ang aking mukha gamit ang kamay ko.

Natapos ang kanta at ganun rin ang pagsasayaw ni kuya.  Maya maya ay may kinuha ito sabay abot sa akin. Isa itong rosas na may greeting card na nakasabit. Nakasulat ang happiest birthday sa loob nito.

Eh putcha, paano naman ako sasaya at magkakaroon ng happiest birthday kung ganto??

Nang matapos ang lahat ay bigla akong tumayo saka lumapit kay Zarex na noon ay nakahubad pa rin ng tshirt at nakabuyangyang ang kanyang katawan. Hinablot ko ang tenga nito saka dinala sa kama.

“Arrraaaaayyy!!” sigaw nya sa sakit. Tangina mo ah.

Dinaganan ko sya saka siya pinagsusuntok, na hindi naman malakas. Yung sakto lang at hindi naman sa mukha. Special yan, di ko yan kayang saktan.

“Gago ka ah! Ano akala mo sa akin ha? Hayok sa lalaki ha?” singhal ko sa kanya. Sumagot naman ito habang nakadagan pa rin ako sa kanya. “Eh ginawa ko lang naman yung prank mo sa akin dati ah. Gantihan lang yun tol! Tama naaa!” pagdepensa nya.

“Gantihan pala ha. Eto oh! Ganti pala gusto mo ah.” Sambit ko sabay kagat sa matipunong biceps nya. Napahiyaw naman ito sa sakit hahaha buti nga.

“Excuse me bitches? Hello? Nandito kami? Di pa nga nagsstart ang party eh naglalampungan na kayo dyan! Mga higad! Mamaya na yan at nagugutom na ako puta!” pagpigil sa amin ni Zarah. Agad naman akong natigilan sa aking ginawa at nakalimutan kong andito pala yung mga kabarkada ko. Nakakahiya.

“Ang sakit sakit eh.” Maktol ni Zarex habang hinahaplos ang aking kinagatang parte.

“Hmmp. Bahala ka dyan.” Tugon ko lang.

Nag-ayos na kami para makapagstart na rin ng inuman. Noon ko lang na pansin yung mga decorations sa room. May colored na mga papel ang nakasabit sa kisame at may mga nakadikit rin na mga litrato ko sa dingding. Kasama ang malaking happy birthday.

“Nagustuhan mo ba?” tanong ni Zarex habang nilalapitan ko ang mga pictures ko. Puro stolen pa man din. May mga nakanganga pa at habang natutulog. Meron pang bagong ligo at kakagaling ng school. Kaya pala hawak nya palagi phone nya dahil nagsstolen shots ito sa akin. Hayop!

Napangiti naman ako at binalot ng saya habang pinagmamsdan ang mga ito. First birthday koi to na may gantong pakulo. Dati kasi ay kain lang sa labas ang ginagaw namin nila mama at papa sa Cabanatuan.

“Oo naman. Sobrang naappreciate ko tol. Alam mo bang first time kong makaranas na isurprise ng ganto? Pati na rin yung kanina. Kaya salamat tol.” Ani ko naman sabay sulyap kay Zarex na noon ay nakahawak sa kanyang batok na parang bata.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now