"Hindi na nagbago."




Nagkatinginan kame dahil sabay pa nameng nasabe yun. Maya maya eh nagkatawanan ulit kame. Kame lang kase yung naiwan ngayon dito dahil pati si maki ay nakipag unahan na rin sa mga pasaway na yun. Naging mabilis ang kilos ng mga yun nung sabihin kong libre ko na ang inom kaya lalong naexcite, halatang sabik sa alak ang mga babaeng yun. Walang pake kahit maaga pa para mag inuman, hala sige lang. Hahahaha....😂😂😂








Chinarge ko muna yung phone ko, malapit ng madeadbatt eh. Hindi ko naman nadala yung charger ko kaya hihiramin ko muna yung kay maki, sa kakahanap ko ay nakarating pa ko sa room nya na nagkataong andun din yung hinahanap ko kaya dun na rin ako nagcharge.




Nang mai-charge ko yung phone ko ay hinanap ko si janna, na nasa kusina naman pala. Hinuhugasan yung mga pinagkainan namen kaninang lunch. Nagvolunteer akong tulungan sya. Si janna ang taga sabon, ako naman ang tagabanlaw.




Natutuwa ako kase na master ko na talaga tong position ko sa paghuhugas ng pinagkainan. Nangingiti nga ko eh.




"Lam mo? Natutuwa ako sayo." basag ni janna sa katahimikan namen.




Inosente ko syang nilingon sandali tas muling nagpatuloy sa ginagawa ko. "Bago yan ah. Anong banat mo?" natatawa kong sabe na nakafocus sa pagbabanlaw ko.




"Anong banat? Totoo po kayang natutuwa ako sayo." si janna na busy ding nagsasabon sa mga pinggan. "Andame mo na talagang alam gawin, bei. Hindi ka na puro asa ngayon."




"Grabe ah." ako.




"Totoo naman eh." si janna. "Tamad ka kaya.....lage kang nakahilata pagkatapos kumain. Always ka na lang gumagawa ng alibi para di ka mautusan at ang mas malala pa tutulog mo pa para makatakas ka."




"Dati yun no, di na ngayon." nakangiti kong sabe.




Pagkatapos nyang magsabon ay lumipat naman sya sa kabilang side ko, kumuha sya ng pranela para punasan naman nya yung mga nabanlawan ko. "Mukhang maganda talaga yung pagtira mo dun sa dorm nyo no? Yung pagiging tamad mo nawala---wait. Nawala nga ba? ahahahaha......"




"Grabe ka talaga! Durog na durog na ko sa ginawa mo ah!" napahinto ako sa ginagawa ko kase natatawa talaga ako. "Ganon ba ako katamad dati?"




Kunyare pang nagisip ang babaeng ito. "Parang.....ganon na nga."




Tawang tawa naman si janna, ako naman ay napailing na lang habang natawa rin. Naging matahimik muli kame ni janna tanging maririnig lang ay yung mga kalansing ng mga hawak namen na naguumpugang pinggan minsan habang pinagtutulungan na namen ngayong punasan isa isa.




"Musta na ang buhay?" si janna muli.




Tumingin ako sa kanya na busy sa kakapunas ng mga baso. Nagpatuloy rin ako sa ginagawa ko.




"Im okay." simpleng sagot ko.




Wala akong narinig na sa kanya kaya kala ko dun na mahihinto muli ang paguusap namen pero nagkamali ako. Isang tanong na nakapagpatigil sa kin sa ginagawa ko at talagang nakapagpaisip sa kin.




"S-si....Jho?....Musta na kayo?"




Kamusta na nga ba kame ni jho? Sa totoo lang hindi ko alam eh.....HINDI KO NA ALAM.









*Flashback*

( 2 weeks later )





"Deans....k-kala ko....Kasama mo si momski mo ngayon?" takang tanong ko kay deanna.




Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now