"Why would I? Tsaka pwede bang bitawan mo sya! Akin lang sya!" Sigaw ni Zeyla kay Lex kaya literal na nangunot ang noo ko.

"Ang pinaka ayaw ko ay ang sinisigawan ang Baby ko. Now, get out of my sight." Zeyla's mouth gaped at us and glared to Lex. She stomped away and disappear through the crowd.

Hinila ako ni Lex at dinala sa mga may jacket na katulad ng sa kanya. They notice our presence.

"Akala ko hindi ka na makakarating eh." I think this is their Captain, the one that I watch from the video last time.

"Wala naman akong gagawin sa bahay. So I decided to play." Ewan ko ba kung matatawa ako o kung ano. Kahit kailan talaga itong si Lex hindi mo alam kung nagbibiro o ano.

Nag speech ang principal at president ng Cross Academy. Pagtingin ko kay Lex ay nakahalukipkip ang mga kamay nya sa bulsa ng kanyang jacket at bored na nakatitig sa  mga nagi-speech sa unahan. Pfft... Yan ang tunay na manlalaro. Kahit gaano kahirap at kagaling ang kalaban, walang pakielam. Hahaha... Nice, nice.

Pagkatapos ng speech ay naghiyawan ang mga tao doon. Promise, nakakarindi.

"Ate Lex!"

Kahit maingay ang mga tao ay narinig pa namin ang sigaw na iyon. May lumapit kay Baby na siguro ay freshman, nakasuot ito ng salamin at bagsak ang kanyang buhok. Nakasuot sya ng polo, kahit lalaki ako masasabi kong he looks cute than being handsome. And besides, hindi ko alam kung bakit pero parang nakita ko na sya kung saan. Hindi ko matandaan kung saan pero nakita ko na talaga sya.

"Good luck ate Lex, ipanalo mo ah?"

"Of course Kid, tell that to Captain."

"Ate Lex naman..."

Geez ang cute. Para lang silang magkapatid. Nagsialisan na ang karamihan ng tao at dumeretso sa gymnasium ng school. Nauuna ang mga players kaya nasa huli kami nung bata. Don't get me wrong, pero mas matanda ako sa kanya at bata talaga sya sa paningin ko. "I don't know Mister, but I think I have seen you before."sabi sakin nung bata kaya napatingin ako sa kanya. Nangunot ang noo ko na naging dahilan ng pagtigil ng lakad namin. Merong napapatingin samin at nagbubulungan pero hindi ko ito pinansin. "To tell you boy honestly, we have the same question in mind."

"Saan ba kita nakita?"

"Where did I saw you?"

Parehong nanlaki ang mga mata namin at nagkatitigan kami. Pero napangiti sya at natawa kaya napatawa din ako. Hahaha.... I think I like this kid. Not romantically, but as a little brother. Hahaha... awesome.

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now