"Well ava, this lady beside me..." 

agad ako inakbayan ni romeo nang di ako handa, kaya na unbalance ako onte at napahawak sa kanyang dibdib, In fairness ang tigas ah.

"Is my long time friend at sa tingin ko ngayon na lang ulit kami nag kita, right shan? " 

sabay lingon sakin ni romeo na ikinatango ko bilang sagot, ang laki talaga nang pinag bago nya sabagay ganun naman ata siguro kapag laking imbang bansa, mapapasabi talaga na natamaan sya ng puberty.

"Oh, so this is a reunion? " 

na lipat ang tingin ko kay ava dahil sa sagot neto at sinamaan sya nang tingin pero ang bruha parang walang ginawa at di man lang natakot.

"Well, sa tingin ko ganun na nga" 

sagot naman ni romeo at inalis  na rin ang braso nyang nakaakbay sakin.

"Actually, matagal ko na syang hinahanap pero dito ko lang pala sya makikita"

dugtong pa nya na ikinaliingon ko ulit, at this time parang may napansin ako sa mga mata nya na nakatitig lang sakin.

"Well, it's nice to see you too boi haha ehem mauuna na muna ako sa inyo ah may pupuntahan pa ako eh, Mamaya ko na rin tatanungin ang kapatid ko kung bakit ka nandito romeo" 

pag tapos ko sa moment na para bang di komportable sakin.

Hindi ko na sila hinintay sumagot at mabilis lumabas sa bahay na yun.  Ewan ko ba parang ang awkward kasi talaga eh.

Napailing na lang ako sa kaweirduhan ko at naisipan ko na lang buksan ang kotse para makaalis na.

"Shan! "

Pipindutin ko pa lang sana ang remote na hawak ko para ma unlock ang pinto ng kotse ngunit hindi ko na natuloy dahil napalingon ako sa tumawag.

"Oh romeo bakit? " tanong ko nang tuluyan na itong makalapit sakin.

"Saan ba pupuntahan mo hahatid na kita" nakangiti netong sabi sakin kahit na halata pang hinihingal ito.

"Naku hindi na meron akong kotse nu kaba" pagtanggi ko pero parang di ito payag sa sinabi ko.

"I insist shan" sabi pa neto.

"Wag na romeo diba si ava ang accompany mo baka magtaka yung bata na yun dahil nawala ka" dahilan ko pa pero sadyang matigas din ulo neto.

"Yes but tapos na ang task ko sa kanya shan please ngayon na nga lang tayo nagkita eh sige na" pagmamakaawa pa neto at pinagbigyan ko na lang.

"Osya asan na ba dahil 1 hour na lang ang natitira dapat nandun na ako sa pupuntahan ko"

"Tara dito shan" magiliw na sabi neto at sinundan sya.

Pinagbuksan nya ako ng pinto at maingat naman akong pumasok sa kotse nya.

Inayos ko na ang seat belt at sya rin, then maya maya ay pinaandar na nya ang makina at tuluyan na kaming umalis.

"I can't believe na biglaan talaga kita makikita shan" simula nya sa magiging usapan yata namin.

"Yeah kahit ako di nga kita na kilala hahaha pumogi ang dating uhugin ah!~" pang aasar ko pa na ikinatawa nya.

"Hahaha di ka parin nag babago shan lakas pa rin mang asar" naiiling na sagot nya.

"Hahaha yun lang ang di ko masasabi romeo cause as you can see hey look at me" trip na sabi ko pa na ikinapigil ko ng tawa.

"Yes shan wait" sabi neto habang gumagawa ng paraan para malingon ako.

"Hahaha joke lang loko" sabi ko ng makalingon na ito sakin.

"Why so mean shan" sabi neto na may kasamang pout pa.

"Hahahaha sorry na romeo pumogi ka naman eh yiee" pampalakas ko na mukhang tumalab naman.

"Pero yun nga as you can see di na ko yung taong mahilig mag joke kundi kailangan na mag seryoso" taimtim na sabi ko kay romeo.

"Well di naman talaga mawawala yun eh pero as i can see palabiro ka pa rin " isang ngiti ang binalik ko sa kanya.

"Syempre si romeo ka eh" pambobola ko pa .

"Oh dito na lang romeo hinto mo na sa gilid" dagdag ko pa na sinunod naman nya.

"Salamat sa ride romeoo" maingat ko inalis ang seat belt at lumingon dito.

"O sya labas na ako ah ingat sa pag drivee" dagdag ko at hinintay sya magsalita pero taimtim lang itong nakatingin sakin.

Baka siguro yan yung way nya para mag  you're welcome sakin? 

"Ah sige romeo bye" sabi ko na lang ulit at hinawakan ko na ang pihitan pero ng di ko pa tuluyan nabubuksan ang pinto ay bigla akong napahinto at tinignan ko ang dahilan kung bakit.

Isang kamay ang sumaklop sa isa kong kamay na unting unti ko ikinatingin sa may ari.

"I'm really glad to see you shan " sabi ni romeo na syang may hawak sa kamay ko at dahan dahan nyang dinikit ang palad ng kamay ko sa kanyang labi.

---------------

mashiro99~

MY STEP SISTERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora