"Sinabi ko lang na lalapitan kita, Avrein. Wala pa akong sinabi kung anong gagawin ko sa 'yo. Huwag kang advance, babe, darating din tayo roon," mapang-akit na sabi nito, saka patuloy pa rin na naglakad palapit.

Humakbang ako patalikod hanggang sa lumapat ang likod ko sa pader.

"I guess, na-corner na kita?" nakangising sabi na naman nito.

Tila sumikdo ang puso ko, nang mabilis niya akong hinapit sa baywang at pinagtapat ang mga mukha namin.

"S–sir!"

"Wala pa akong ginagawa."

Hapit na hapit ang isang kamay niya sa baywang ko habang ang isa naman niyang kamay ay humawak sa likod ng ulo ko.

Unti-unti niyang ibinaba ang mga labi niya patungo sa mga labi ko at hindi ko napigilan ang sarili ko na marahang mapapikit.

Hindi ko alam pero tila gusto ko na talagang magpatangay na hindi ko maintindihan. Sa tinagal-tagal ng pamamalagi ko sa mundo—buhat nang makilala ko ang taong ito, dumalas na ang pagiging hindi ko sigurado sa mga bagay-bagay.

Hinihintay kong lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko nang bigla kaming makarinig ng sunod-sunod na pagkatok.

Mabilis pa sa alas kuwatro na dumilat ako at itinulak ko siya, saka ako tumungo sa pintuan para buksan ito.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang matipunong binata na may dalang dalawang tray ng pagkain.

"Magandang gabi po, Ma'am. Ito po yung in-order n'yo," sabi nito na nakangiti kaya't tumango na lamang ako. "Ipapasok ko na po ba?"

"Sige," tipid na sagot ko rito.

Pumasok ang binata at isa-isang inilapag ang mga pagkain sa lamesitang naroon. Nakita ko rin na nakaupo na si Vience sa sofa at masamang nakatingin sa binata. Kung nakakapatay lang siguro ang tingin, kanina pa ito nangisay sa tingin ni Vience.

"Okay na po, Ma'am," anang binata.

"Salamat—"

"Makakaalis ka na," putol ni Vience sa sinabi ko, saka pa tinapunan muli ng nagbabagang tingin ang binata.

"Opo."

"Bilisan mo. Inaabala mo ang ginagawa namin ng asawa ko."

"Sir—" tinapunan niya ako ng masamang tingin sa dapat na sasabihin ko. "H–huwag ka naman maging bastos," patuloy ko at bumaling ako sa binata. "Sige na, Kuya, makakaalis ka na."

Mabilis naman tumalima ang binata dahil siguro ramdam niya na kapag tumagal pa siya ay maaari na siyang makarne nang buhay.

Isinara ko ang pinto at lumakad na palapit sa lamesita. Habang naglalakad ako ramdam ko ang tingin niya sa akin. Naupo ako sa tabi niya dahil wala namang ibang mauupuan.

Kumuha na ako ng pagkain ko pero siya ay nanatili lang na nakatingin sa akin. Gaya kanina ay nakikita ko iyon sa gilid ng mga mata ko.

"H–hindi ka ba kakain?" utal na tanong ko rito.

Imbes na sagutin ang tanong ko ay nagalit ito. "Sa susunod ay huwag kang makikipagtitigan sa kahit kaninong lalaki lalo na't nakaroba ka. Hindi mo alam sa isip nila, hinuhubaran ka na nila!" anito, saka ito padabog na tumayo at nagtuloy sa banyo.

Exception ba siya?

NAGLALAKAD ako ngayon sa pasilyo ng office patungong elevator nang makasalubong ko sila Nina at Delia.

Kapwa ako tinignan ng mga ito mula ulo hanggang paa.

"Buhay ka pa?" taas-kilay na tanong ni Delia.

Hindi ko sila pinansin at nilagpasan ko na lamang sila ngunit nagulat ako nang higitin nilang dalawa ang mga braso ko.

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon