"Hindi pwede" maiksing sagot ko sa kanya.


"Bakit naman? ang daya mo talaga" mukha na naman siyang dismayado.


"Basta hindi pwede day off ang katulong namin makalat ang bahay" napapangiwi na lang ako sa sarili kong dahilan.


"Hindi pwede, lets go na sabay tayong pupunta sa inyo" masigla niyang hinawakan ang braso ko na akala niya naman ay isasama ko siya.


"Lina naman, next time na lang" tamad na sabi ko sa kanya habang kinakalas ko ang braso niyang nakapulupot sa akin.


"Yan na naman ang next time mo!" nagsisimula na siyang mamula sa pagkapikon. Sorry Lina, hindi talaga pwede.


"Kaaanak pa lang ng nanay ko, tama! bawal ang bisita allergic siya sa tao" Shit! san nanggaling ang sinabi ko?


"Ano? Florence kung magsisinungaling ka dapat kapanipaniwala naman bahala ka na nga sa buhay mo" mabilis na niya akong iniwan.

Hindi ko talaga siya pwedeng isama, kahit anong pilit niya it's a big No. Sinundan ko na lang ng tanaw ang pag alis niya. Napahilot na lang ang sa noo ko. What a day?


--


Sa Mansion Ferell


Dahil maaga nga akong nakauwi sigurado akong, nag iisa lang ako sa mansion. Masarap magpahinga pag walang nagkalat na Shokoy sa paligid.


"YES! Wala pa ang mga Shokoy!" tuwang tuwang sabi ko.

Ang talukap na mga mata ko ay nagsisimula nang bumagsak, kanina pa talaga akong inaantok. Kaya nakapikit na akong naglalakad na parang zombie, ang balak ko sana sa kwarto sa baba ang gagamitin ko pero gusto ko na talagang mahiga kaya basta ko na lang ibinagsak ang sarili sa malaking sofa sa living room


"Tatlong oras lang, grabe pinagod talaga ako ng mga Shokoy na 'yon. Hindi ako magluluto mamaya, bahala sila!" nagsasalita ako kahit nakapikit.

Hindi ko na inayos ang throw pillow na nasa ulunan ko dahil mabilis na akong dinalaw ng antok. Medyo mababaw akong matulog kaya konting ingay lang ay magigising na ako pero ako 'yong tipo ng taong mabilis nananaginip.


"Hanggang kaylan ka matutulog dyan?" naririnig ko na naman ba ang boses ng Shokoy na 'yon?


"Nero kahit sa paniginip ba naman? Evaporate! natutulog ako bakit ba ang istorbo mo?" tumagilid ako ng higa.

Kainis talaga kahit sa panaginip ba naman? Guguluhin pa ako? Pero infairness mabango ka kahit sa panaginip. What the hell? Bakit naaamoy ko siya?


Nero Ferell


"Yes! wala ang mga Shokoy!" that's what I've heard from that sharp-tongue-woman, she' so noisy. I saw her walking like a zombie with her eyes closed. Idiot.

But I didn't expect what she did, she just dive on this couch and position herself in sleeping mode. And what is amazing? She just used my lap as her pillow. Great! She didn't even notice me at all? Great woman.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now