Kabanata 1

78 5 2
                                    

Tik Tok Tik Tok

Purong katahimikan at tunog ng orasan lamang ang maririnig sa classroom. Lahat naka-upo sa kanilang mga armchair. May mga ilang nagsasagot at karamihan naman ay tapos na.

12:22 PM

Halos lahat nakaabang sa orasan. Habang ang proctor naman ay patuloy paring nagmamasid sa aming lahat. Dahil ang ilan ay tapos na sa pagsagot ng kanilang mga test papers, nagagawa na nilang magkwentuhan. Sa sobrang tahimik sa classroom, rinig ang kahit ano mang uri ng ingay kahit pabulong man.

"Quiet!" warning ng Proctor namin.

Dinig mula sa kanyang takong na sapatos ang madali niyang paglakad dahilan para tumingin uli ako sa aking test paper. Dali-dali siyang lumapit sa mga nagkwekwentuhan kong kaklase at agad namang umayos ng upo ang mga ito.

Tapos na ako. Nakadalawang review na ako sa mga sagot ko at kampante na ako. Pero hindi ko alam kung bakit nakakaramdam parin ako na para bang may mali parin sa mga ilan kong sagot kahit alam kong tama naman.

Muli kong nireview ang mga sagot ko sa huling pagkakataon. Dinig ang paglipat ko ng test paper page. Nang matapos kong basahin ang huling katanungan sa last page para reviewhin ang sagot ko, napatalon ang diwa ko ng marinig ko ang malakas na bell. 12:30 na.

"Everyone pass your test papers forward" pag-utos ng Proctor namin.

Agad-agad namang madaling ipinasa ng lahat ang kanilang mga test papers pauna. Maririnig ang ingay mula sa mga papel. Kitang-kita na gusto na nilang mag-uwian. Last subject, last day of examinations. Bakasyon na.

"I have some announcements. Settle down" pag-utos muli ng aming Proctor.

"Ano ba yan! Time na oh! Grabe naman. Dito na ba kami habang buhay?" reklamo ng karamihan at agad rin tumahimik ang lahat.

"Today is your last day of examination--" hindi pa tapos magsalita ang Proctor, naghiyawan agad ang karamihan.

"Quiet!' hiyaw ng Proctor at agad namang tumahimik ang lahat. Hindi ko napigilang hindi matawa ng patago.

"I repeat. Today, April 06, 2017 is your last day of examination which means its the last day of the school year" paalala ng Proctor namin at bago niya muli ipagpatuloy ang sunod niyang sasabihin, binigyan niya kami ng masamang tingin umaasang baka mag-ingay na naman kami.

"Giving of report cards will be on April 20. Further announcements such as enrolment for the next school year will be announced soon. That's all. Have a memorable vacation everyone" pagpapatuloy ng Proctor.

Sa pag-alis ng proctor, agad nagtayuan at naghiyawan ang mga kaklase ko. Habang inaayos ko ang mga gamit ko, makikita na ang ilang kababaihan ay nagre-retouch gamit ang pulbo at ang ilan naman ay naga-ayos ng kilay at naglalagay ng mapulang liptint sa kanilang mga labi.

Habang ang mga lalaki naman, barkadahang barkadahan sa dulo ng room.

"Walwal na ba? Sagot ko ang Red Horse!" hiyaw ng isa at napairap nalang ako.

Nang maayos ko ang bag ko, nagdesisyon akong umalis na ng classroom. Pero bago pa man ako makalabas ng tuluyan, may humiyaw ng pangalan ko.

"Tina!" hiyaw mula sa classroom at agad naman akong lumingon para tingnan kung sino iyon. Si Daphney, bestfriend ko.

"Dere-deretsyo ka! Hindi mo manlang ako hinihintay!" pagmamadali niyang paglapit sakin habang nakasabit ang bag niya sa kaliwang balikat ang patuloy na inaayos ang laman ng kanyang bag.

"Sorry. Pupunta sana ako sa C.R. Kanina pang sumasakit ang dibdib ko" pagpapaliwanag ko. Agad naman nawala ang inis sa kanyang mukha at pagaalala naman ang namuo ngayon sa kanyang mukha.

Isang Libo Siyam na Raan, Mahal Kita Magpakailanman ( ON GOING )Where stories live. Discover now