Sinopsis

170 9 0
                                    

Sa kanyang mga makaguluhang panaginip, Hindi maiwasang isipin ni Tina Castro na baka may malaking ugnayan sa kanyang pagkatao ang mga panaginip niya na may kinalaman sa sinaunang panahon. Ang panahon ng Rebolusyon ng Pilipinas.

Mga tanong sa kanyang isipan ay maguudyok sa kanya para hanapin ang mga matinding kasagutan. Ngunit sa hindi inaasahan, ang pagbalik sa nakaraan ang magiging simula upang mahanap niya ang mga kasagutan na matagal na niyang inaasam.

Sa pagbalik niya sa nakaraan, maliliwanagan si Tina Castro kung ano ang kinalaman ng kapanahunang Rebolusyon sa kanyang mga panaginip. Kung ano ang antas niya ng mga panahong iyon. Kung sino ang kanyang makakasalamuha at higit sa lahat, ang misteryong balat sa kanyang kaliwa na dibdib at likod na laging kumikirot sa hindi malamang dahilan tuwing lumalabas sa kanyang panaginip ang misteryosong lalaki na iniiyakan siya ng lubusan.

Subaybayan ang storya ni Tina Castro sa pagbalik niya sa nakaraan upang makamit ang kanyang mga kasagutan. Pagsubaybay kung saan ayaw niyo ng bumalik sa kasalukuyan.

Isang Libo Siyam na Raan, Mahal Kita Magpakailanman ( ON GOING )Where stories live. Discover now