Kahit narinig ko na ito ay gusto ko parang tanungin ang side story ni Ella. "Bakit? Anong nangyari?"

"Matapos ng ilang buwan, bigla nalang naming nalaman na ikakasal na pala si ate Kelly dahil sa status niya sa Instagram." Ngumiti ito ng malungkot. "Mula noon, yung Jared na kilala namin ay nagbago. Binayaran niya ng malaking halaga ang may-ari ng paaralan ng school upang ipasarado ang dance at music room. Wala na ring nagtangkang sumali sa archery kaya nagtataka kami na nabuhay'ng muli ang larong iyan."

Ngayon ay naliliwanagan na ako. Masyadong mahal ni Sir Jared si Kelly na dahilan upang magbago ito.

"Pero teka," usal ko. "Why do you keep calling her ate?"

Napatingin naman ako kay Ella nang tumayo ito at tinanggal ang kanyang salamin saka nilugay ang kanyang buhok.

Iniabot nito ang kanyang kamay. "I'm Ella Taylor. Kelly's half-sister." Ngumiti ito.

"You're what?"

"I'm her  half-sister."

--

"Huwag na kasing makulit, hija. Nilalagnat ka. Ano na lamang ang sasabihin nila ma'am Sandra 'pag nagkataon," alalang usisa ni Manang Eda na pinipilit akong ipahiga sa kama.

"Asan po ba sila?"

"Nasa Amerika dahil may business daw na ewan. Higa na kasi, barbie! Ang tigas ang kokote mo," sagot ni Emma.

"Okay, fine." Sumandal ako sa headboard ng kama. "May libro po ba ditong magandang basahin?"

"Meron, kaso marami. Naka-lock din ang library. Magpahinga ka na lang. Kami nang bahala," wika ni Manang Eda.

Nilisan nila ang kwarto ko. Kinuha ako ni Manong Manuel kanina sa school. Hindi ko alam kung nasaan ngayon si Sir Jared. Pinauna akong umuwi ni Ella.

Nakakabore naman dito. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang WiFi. Napangiti ako nang makitang konektado agad ang cellphone ko sa WiFi nila.

Tinipa ko ang pangalan ni Kelly Taylor sa google at lumabas ang mga litrato at impormasyon tungkol sa dalaga.

I stare at her pictures that was flashed the moment I finished clicking the button 'search'.

May pagkahawig sila ni Ella.

Napahinto ako sa pagbabasa nang may pumasok sa isip ko. Bakit ko ba sini-search ang pangalan niya? Siguro dahil sa kuryosidad.

Nilapag ko nalang ang cellphone ko sa tabi ng unan at humiga. Nanatili ang titig ko sa likod ng kutson na nasa itaas ko kung saan nakahiga si Emma. Double deck kasi ang kama namin dito.

Pinilit ko ang sarili kong matulog ngunit hindi ko magawa. Parang may bumabagabag sa akin. Ewan ko kung ano 'yun.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot.

"Bakit?"

"Dzai, this is Wenchie." Ramdam ko ang ngisi niya sa kabilang linya kahit magkatawag lang kami.

"Wenchie?"

"Yes. Saan ka na ba ngayon ha? Bigla ka nalang nawawala ng parang bula." Ngayon, may bahid ng irita na naman ang nasa boses niya.

"Pasensya na kung 'di nako nakapagpaalam. Masyado akong minadaling ipalipad dito ni Bembem."

Rinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. "Spade," Ngayon ay tawag na niya ang codename ko; ibig sabihin ay seryoso ang susunod niyang sasabihin. "Mag-iingat ka diyan."

"Bakit? Anong meron?" Biglang namuo ang kuryosidad sa akin.

"The Royals is looking for you." Royals? Ba't nasali ang international gang na'yon? "Naghahanap sila ng kapalit nila sa Queen nilang umalis. Hinihiling ng Hari nila na probinsyana ang kunin at nagkataon nasa Maynila ka. Kaya't kung maaari, Natasha. 'Wag kang pakampante. Mag-iingat ka. Hinahanap na nila ang nag-iisang Queen of Spade ng kwadro. Ayusin mo. Napag-alaman nilang umalis ka, kaya please mag-iingat ka."

Biglang namatay ang linya. So kailangan kong mag-ingat? Ano bang kaylangan ng Royals sa akin? Bakit ngayon lang nila hinahanap ang papalit sa pwesto ng kanilang pesteng Reyna? Nasisiraan na ata sila ng bait kung ako ang ipapalit nila.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya binasa ko ang mensaheng pinadala ni Wenchie.

From Wenchie:

'Be aware. Kung maaari'y huwag kang lalabas ng iyong pinagtatrabahuan. Ngunit kung lalabas ka, maging mapagmatyag ka. Kwardo isn't ready to lose you yet, even you've already leave the group.'

Napangiti ako sa turan ni Wenchie. Kahit nakakapanghinayang umalis sa grupo ay umalis ako. Ayokong maging pabigat sakanila dahil sa panlalabo ng paningin ko.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin