"We need to split up."

***

Lex's PoV

"I told you. Kuya Eron didn't go to school today."

"Yeah? Sure? But he arrived five minutes ago."

Buhat buhat pa din ako ni Kuya Ghed. Iniwasan kong hindi mapadaing sa tuwing didikit ang uniform nya sa braso ko. Like seriously, it hurts like hell. Umabot  na nga sa punto na hindi ko na maigalaw ito.

Umakyat kami I mean sya sa second floor. Nadaanan namin ang mga busy-ng classroom pero napapahinto sila sa kanilang ginagawa at napapalingon samin. Sino ba naman ang hindi eh kilala ang section nila at mas lalong kilala itong lalaking may buhat buhat sakin. Nagpunta sya sa pinaka huling classroom. Ang classroom na ito ang bukod tangi sa lahat.

Pagkarating namin doon ay may nagja-jamming sa bandang likod ng classroom, meron ding nagse-cellphone, nagbabasa at iba pa. Nang makapasok kami sa loob lahat sila ay napatingin sa direksyon namin. Yung mga naka-head phone ay ibinaba ito at tumingin samin.

Now this is embarrassing.

"Baby!!!"

Sh*t! Pumasok nga si Kuya! T-T

Inupo ako ni Kuya Ghed sa may teacher's desk at lahat sila ay pumunta kung nasaan ako.

"Damn! Anong nangyari sayo Lex?! Sinong may kasalanan?! Sabihin mo lang babangasan ko- Aray naman!!" Hinawakan ni Kuya Deon ang kanyang ulo kung saan sya kinutongan ni Kuya.

Hahahaha... Ang OA kasi.

"Kapatid mo? Kapatid mo? Ako muna!" Iniisod nya si Kuya Ghed at hinawakan ang braso ko.

"Aray!!!" Binawi ko sa kanya ang braso ko kasi ang sakit.

"Damn it! Ghed! Yung emergency kit sa likod kunin mo! Deon kumuha ka ng icepack!" Utos ni Kuya. Sinunod nung dalawa ang inutos nya pero bumulong yung dalawa. Ang bossy daw ni Kuya. Bahagya nyang ginulo ang kanyang buhok at tumingin sakin.

"What did you do this time?" He asked while looking at me intently. I quickly shakes my head.

"I didn't do anything! I swear!"

Napatawa yung mga kaklase ni Kuya kaya sinamaan ko ng tingin.

"Wag ka naman ganyan Eron. Naha-hot seat ang kapatid mo." Again nagtawanan sila.

"Ha-ha. Funny." I mentally rolled my eyes. Bumalik si Kuya Ghed na may dala dalang emergency kit.


"Ikaw ah Eron. Hindi nyo sinasabi na may kapatid pala kayo..." Tumingin yung lalaki sakin at kumindat. "Good afternoon sweetheart I'm-"

"Not interested." I huffed. Nagtawanan ang mga kaklase ni Kuya.

"Nice try dude, pero hindi gumagana ang ganyang galawan sa kapatid ko. Hahahaha... Maton kaya yan." Sinamaan ko si Kuya ng tingin.

"Ano? Tatanggi ka? Mas malala ka kaya samin nina Kuya."

Nagtawanan uli sila. Yung totoo? Ang saya ng section na 'to. Dumating si Kuya Deon na may dalang dalawang icepack kasunod si... Crisha?!

"Oh~ hello there sweetie I'm-"Parang hangin lang syang dinaanan ni Crisha.

Pfft... Sorry dude. She already has someone.

Dumeretso ito samin at kinuha sa kamay ni Kuya Deon ang icepack at basta basta na lang inilagay sa braso ko ng walang pasabi.

"Aaaah!!! Are you nuts?!" I whimper in pain. Kuya Eron set her aside. "Pfft.. Okay Crisha. I'll handle this.... So tell me, how did my lovely Baby ended up like this." He ask. Katulong nya si Kuya Deon na dinadampian ng yelo ang braso ko. Umupo si Crisha sa tabi ko at tinaasan ako ng kilay. "Alam mo ba yang kapatid mo ang susunod na Superman?"

"Pffft... What? Why?"

"She saved their Captain because our Captain almost knock her out with a spike."

"What? How?"

"I think I captured the whole scene." Napatingin kaming lahat kay Kuya Ghed.

"Its not what you think it is. Wala kasing klase mula kaninang umaga kaya nagpunta ako sa gym at kinunan ng video ang mga naglalaro. Para na rin makapanood ako. Hindi ko na napansin na nandun pala ang dalawang ito." Sabay turo nya samin ni Crisha.

"Play it." Utos ni Kuya. Hayst... Ito ang masama kay Kuya Eron. Kapag may ganitong nangyayari sakin, nagiging bossy sya. Wala syang pakielam kung sino ang inuutusan nya, basta sa ikabubuti ko.

Walang anumang pinley ito at naka projector pa! Buong white board tuloy! Matapos nilang mapanuod ang video ay humanga sakin ang buong Star Section. At syempre, hindi rin ako nakatakas sa Sermon ni pastor Eron. -_-

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now