Prologue

17 1 0
                                    


Yakap yakap ang isang plastic ng lollipop, inosenteng naglalakad ang isang batang babaeng nasa walong taong gulang, sa loob ng masukal na gubat.

Kanina pa siya paikot ikot rito pero hindi niya mahanap ang daan palabas sa masukal na gubat na iyon.
Nagpunas siya ng mata nung may pumatak na luha galing dito. Naiiyak na siya sa inis, galit at pagod.

'No. I won't cry. Kailangan kong makalabas rito at hindi ko yun magagawa kung iiyak lang ako ng iiyak' kumbinsi niya sa sarili.

Malaki ang determinasyon niyang makalabas doon dahil kailangan niyang umuwi, mag-aalala ang mommy at daddy niya pag hindi siya nakauwi.

Suminghot siya at napatingala sa langit. Dumidilim na, wala siyang dalang kahit na anong pwedeng pang-ilaw dahil ang isang plastic ng lollipop lang ang binigay sa kanya ng yaya niya bago siya iniwan dito sa gubat.
Oo, iniwan siya ng yaya niya. Sabi nito ay maghahanap lang ng pwedeng ihian dahil ihing ihi na daw ito. She knew it, from the very start she knew that the girl is not trustworthy pero hindi siya pinakinggan ng parents niya. Yes, she's a brat but her instincts were always right.
Her family is rich an powerful and they love her for she's their only daughter, the only heiress of the family. Sigurado siya na sa oras na malaman nilang nawalawa siya ay kaagad nila itong hahanapin.

Lumipas ang halos dalawang oras ay hindi pa rin ito bumabalik kaya nagpasya siyang hanapin ang daan palabas ng mag-isa. If that woman betrayed her, then what's the use of waiting? She can't stay here, there's a home and family waiting for her.

Malapit nang dumilim, pero sa di maipaliwanag na dahilan, hindi siya nakakaramdam ng takot.
She always loved darkness. The way it consumes the light in a slow manner is fascinating for her and the moon? She loves it passionately. She loves how she feels safe and at peace everytime she stares at it. It's like, home.
So no, hindi siya natatakot sa dilim. Never did she.

Maya maya pa, naramdaman ng bata na hindi na siya nag-iisa. Ramdam niyang may nakasunod sa bawat galaw niya mula sa malayo, o baka nasa malapit na niya ito.
Tumigil siya sa paglalakad, lumingon sa paligid at nakiramdam bago dahan dahang naglakad ulit.
Bigla siyang napaluhod at napahawak sa bandang dibdib niya, kung nasaan ang birthmark niyang hugis kalahating buwan.
Para itong napapaso at hindi siya makahinga ng maayos.
Namimilipit na siya sa sakit at hindi na niya napansin ang pagtalon ng kung ano sa kanyang harapan.

Then the pain is suddenly gone. Like it never happened.
Dahan dahan niyang iniangat ang ulo at halos mabuwal sa kinauupuan nung sumalubong sa kanya ang dalawang kulay abong mga mata.
Standing in front of her is a huge animal.
It's not a dog, it's too large for a dog.
It's a wolf. An extremely giant black wolf!
The whole being screams authority, like a royalty.

Nakatingin lang ito sa kanya, nakalabas ang mga pangil at mataman siyang tinititigan.
Umayos siya ng upo at nakipagtitigan rito.
It's really huge. Mas malaki pa ito sa wolf ni Jacob sa Twilight na napanuod niya.
Doble, baka nga triple ang laki nito doon.
Sobrang itim ng balahibo nito na baka pag nasa dilim ay hindi mo na ito makita. Maliban siguro sa kulay abo nitong mga mata.
She tilted her head.

'bakit hindi ako natatakot? ' tanong niya sa sarili. Then she sighed.

'oo nga pala, hindi ko alam ang pakiramdam non' she answered herself.

All her life she was never scared of anything. She can't decipher the word 'fear' because she never felt such thing.
Weird because she can feel other emotions, exactly every other emotions but not that particular one.
Not even when she cut herself using a cutter, she felt pain but not fear.
She never felt it. So maybe that's the reason why she's so calm while sitting in front of this unexplainable animal more like a beast, infront of her.

The Alpha's Fearless BratWhere stories live. Discover now