“Really, I’m fine. Bumalik ka na kay Ava at baka magalit yun.”
“Siya nga nagpapunta sa akin dito. And I was concerned, wala pa sila Nadine and tayo lang ang nandito, what happened?”
“Wala. I hurt myself dun sa veranda. Naluha ako sa sakit.”
“Physically o emotionally?”
Inirapan ko siya. Ito talagang si Richie. Even though we stopped being close after 4th year high school, malakas pa rin siya maka-sense.
“Funny. I’m fine nga.”
“Hoy, Freyja Zelene. I know may tampo ka sa akin kasi I gave you the cold shoulder before high school ended. Pero it was because I was starting to like you and I wasn’t sure na you felt the same. I thought you were just really nice to everyone and I was no different. Malay ko ba na you had a crush on me din. Kaya wag ka nang umarte at treat me like before. Your friend. ” At napaka-tactless na lalaki pa rin. Magpaliwanag ba about something that happened over a decade ago.
“Ano ba itong araw na to? Drop bombs on Zelene day? Rich, alam ko naman yun noh. And wag kang feeling, hindi ako nagtampo. I can’t really talk about what happened kanina okay?”
“O cge, ganito nalang. Kunyari hindi ko alam, kahit na alam ko na naman. If there’s something going on which I’m pretty sure ay meron, talk about it. Hindi yang para kayong mga teenager na magwwalkout-an sa isa’t isa, just because hindi nyo kinakaya yun nararamdaman nyo.” Hala kelan nagmature itong bugok na to?
“Hindi ka naman ma-drama kaya wag kang magsimula ngayon. 30 na tayo, naghiwalay kayo ni Tyler after 8 years. Ewan ko kung matinong pagiisip pa ba ang nangyari dun pero kung ano man ang meron sa inyo ni Zeke sana pag-usapan ninyo. At sana hindi kayo mandamay ng kawawang tao. And I am referring to that other guy na patay na patay sayo.”
“Duuude!! Ang haba ng speech mo. Ganyan ba nagagawa ng parenthood sayo? Nagiging normal pag-iisip mo?”
“Daanin mo pa sa biro.”
“Thank you sa piece of advice. Zeke and I will talk… and I’ll also talk to Ethan. I’m still not sure about anything pero we all deserve a piece of truth.”
“Good, sige na narinig ko na yun mga sasakyan, nandyan na yun iba.”
Bumaba kami ni Rich. Si Ava nakita kong kapapasok lang galing sa veranda kung nasaan si Zeke. Si Zeke nandun pa rin nakaupo. Nakatanaw sa dagat.
I mouthed a ‘thank you’ kay Ava and tumango sya.
----------------------
*ZACHRY KILLIAN’s POV*
Nagwalk-out! Taena siya pa nagwalkout. Sinabi ko lang naman na na-miss ko siya. Eh namimiss ko naman talaga siya. Ang haba ng speech.
“Oi Ava. Andito na pala kayo.”
Shet nakita yata nila kami ni Zelene.
“Oo… umm Zeke, alam ko hindi tayo close… umm. Bakit umiiyak si Zelene?”
“Ahh.. ehh.. ano… kinurot ko siya. Masakit.” Oh goodness. White lie lang white lie.
“Kinurot eh hindi naman iyakin yun sa pagkakakwento ni Rich sa kin about her. Napagkkwentuhan namin si Zelene at barkada niya noong nagsisimula palang kami at alam kong naging close friends sila ni Zelene. What really happened?”
Ano ba tong mga ito, mga usisero. O protective lang talaga itong mga to sa isa’t isa.
“Fine. We had a small argument. Nagalit siya sa akin kasi may ginawa ako na hindi ko dapat ginawa. Na dapat hindi ko na pinaalam sa kanya. Wala na dapat kasi akong sinabi. Ewan basta yun.”
“Wala akong nagets sa sinabi mo. Pero sige tatanggapin ko yan palusot mo. Pero pero… if it is what I think it is… sa tingin ko, pagusapan nyong mabuti bago pa lumala. Na imbis na hindi awkward, mas lalong maging awkward. Na instead of being friends eh maging enemies pa kayo. Parang kinder lang.”
“Ewan ko sayo, Ava. No offense meant pero hindi ko rin na-gets yun mga sinasabi mo. Pero magkaka-ayos din kami ni Zelene. Di naman ako matitiis nun.”
“Ikaw bahala. Ay ayan na sila Louie. Sige hanapin ko na si Richie.”
Buti naman pumasok na sa loob ang babaeng yon. Tong asawa ni Rich.
Pero kanina ko pa naman naisip na kausapin si Zelene e.
Naguguluhan na kasi ako kasi hindi ko naman gustong ma-miss siya. Kasalanan ko ba yun na hinahanap-hanap ko siya. Dapat nga ako ang magalit kasi siya tong nangiwan sa ere.
Pero tama si Ava. Ayoko dumating sa point na maging magka-away kami ni Zelene. Para saan pa yun ilan buwan naming pagtatago ng mga rendezvous namin. Ang hirap kayang pumupunta sa mga gimik ng grupo nila Jordan na nakikita ko siya pero hindi ko siya mahawakan dahil mabubuking na may milagro kaming ginagawa. Hindi ko lang inexpect yun ginawa niyang biglang paghinto ng lahat na iyon. I sensed na na-aapektuhan na siya in a different way kasi I was treating her extra extra special. Alam na niya. At ginulat niya ko dahil she ended it right there and then. Binigay pang dahilan eh yun Ethan na yun.
----------------------
YOU ARE READING
All Strings Attached (taglish)
RomanceThis is the original Filipino - English or Taglish version of All Strings Attached. Hope you enjoy the story as much as I enjoyed writing it. Credits to @akosilekz for the cover. -- Is it just one too many nights? or is it the beginning of every mor...
Removable Discontinuity
Start from the beginning
