Changes

2.4K 22 14
                                    

1030 AM


Nagsusuklay ako sa harap ng dresser ni Nadine nang tumabi sakin si Sophie na nagsusuklay din.

"Hmm.." Giving me a knowing look. Ngumingiti ngiti pa.

"Wala yon."

"Wala naman ako sinabi."

"I know what you're thinking."

"Sus naman te. Sanay ka naman dyan sa ganyan da moves."

Ang iniimply nya ay sanay na may mga yakap. Akbay. Holding hands ng mga lalaki. One of the boys ako pero yun iba alam kong may malice at chansing na kasama. Wala naman sakin yun as long as alam kong di naman nambabastos at mapilit. I know how to defend my self. Isang malakas na tuhod sa you-know-where at yun palang ang simula nun, mas malala akong gumanti. May nagbansag sakin noon, before pa yun relationship namin ni Tyler na, scary daw ako because I can play a guy so well they'd forget the game.

"Wala akong time ngayon sa ganyan. Atsaka nagbagong buhay na ko diba ilan years na, since Ty."

"But you're single again."

"Nagbagong buhay na ko."

Pasok ni Nadine, "Bagong buhay na naman? 9 lives ba meron ka?"

"Sabi ko kay Zelene sanay naman siya dyan sa mga ganiyan situation."

"Oo,  sanay nga siya kaso si Zeke, pinsan ni Jordan. If anything happens and you drop him like a hot potato. Eeee.. ewan."

"Grabe hindi kayo nagjjump into conclusions LUMILIPAD KAYO into conclusions na napakalabo. Ano to PBB TEENS?"

"Napaka-defensive. Inuunahan lang natin. Di ba." Sabi ni Sophie

"Alis na nga tayo, grabe kayo. Di nyo ko titigilan all day? Kasi I can just go home." etong mga to talaga. Ino-overthink ang walang ibig sabihin.

"Hahahhahaa ang pula mo. Defensive." Sabi ni Nadine.

Lumabas kami sa hallway pabalik sa guestroom.

"Saan susi ko?" tanong ko kay Sophie habang hinahalungkat ang bag ko.

"Kotse mo yun ako tinatanong mo." Busy ito sa pagtetext.

"Tae, wala sa bag ko."

"O, eh samin ka na sumakay malamang. Balikan mo nalang yun car mo bukas dito pag nakuha mo na yun spare key." Sabi ni Nadine.

Pumasok si Louie sa room.

"Oh tara na girls."

"Nawawala car keys nya." Ika ni Sophie.

"Di ba nasa may table kasama ng phone mo ... tanong mo si Zeke." Sagot ni Louie habang papalabas ng banyo ng guestroom si Zeke, basa pa ang buhok from the shower pero bihis na.

"So ano tara na ba? Naasiwa ako na kahapon ko pa suot tong damit ko. Pero sige sama ako sa inyo." He said.

"Hoy Zachry. Nasaan ang susi ng auto ko?" I kept hearing Jordan call him Zachry kasi kagabi. Bakit kasi Zeke ang palayaw.

"Wala sakin." Pinipigil pa niya ang tawa niya.

"GUILTY!! Akin na kasi susi ko!" Hinablot ko ang braso niya at sinuksok ang kamay ko sa bulsa niya. Which was not a good idea dahil niyapos niya ako.

"Sa akin ka nalang sumakay. Kunin mo nalang spare key sa bahay mo." Nakayakap siya sa akin para hindi ako makagalaw.

"Zeke!! Dali na kasi. Give them to me! I'm not kidding. Hindi ako sasama pag hindi mo binalik keys ko." Pinakawalan niya ako at nagpamewang ako sa kanya.

All Strings Attached (taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon