CHAPTER 7

29 0 0
                                    

Third Person POV

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan at mukhang nagkakasundo na rin sina Diane at Ethan. Habang tumatagal ang panahon, ay parang mas nagkakakilala na silang dalawa. Marami itinurong aral si Ethan kay Diane kung kaya't marami ang nagbago kay Diane. Tulad ng pagpapahalaga sa wika, pagmamahala sa sariling bansa, pagkabilib sa Pilipino dahil sa gitna man ng problema, nakukuha pa rin nilang ngumiti. Naintindihan na rin ni Ethan kung bakit ganun ang asta ni Diane at naiintindihan na rin ni Diane kung bakit kailangan pang magtrabaho ni Ethan. Dahil dito, mas naging malapit silang dalawa sa isa't isa kaya parang naging normal na rin ang kanilang pakikisama kahit na magkaiba ang panahon at mundo na kanilang ginagalawan. Hindi makapaniwala si Diane na ang dami pala nilang pagkakaparehas ni Ethan lalo na't pagdating sa musika. Kaya san man sila magpunta, lagi silang nagkakasundo basta nagiintindihan lang sila. Hanggang sa mahulog na lang sila sa isa't isa at wala nang makapipigil pa.

Dahil sa pagkakaaminan, mas lalong naging malalim ang pagsasama ni Ethan at ni Diane. Mas lalo nilang pinaramdam sa isa't isa na ang bawat oras ay mahalaga. Wala silang nasayang na oras na hindi sila nagmahalan. Malaki nga talaga ang pinagbago ni Diane simula noon. Nang dahil kay Ethan, mas pinili niyang maging kung ano talaga siya.


Okay na sana ang lahat.

Maayos na sana.

Masaya na sana.

Pero hanggang sana na lang siguro yun.


Isang normal na araw ang dumating ulit sa magkasintahan, nang biglang ulit magpakita ang matanda. Ipinaalala niya sa dalawa ang misyon nila. Dahil sa katagalan, nagkaroon ng bagong kapalit. Kapag hindi parin nila nahanap ang ibigsabihin ng pag ibig, isa sa kanila ang hindi makakabalik habang ang isa ay mkakablik sa kasalukuyang panahon. Hindi na nila namalayan na may misyon pala sila kaya kailangan na nilang magmadali dahil isang buwan na lang ang natitira bago matapos ang palugit nila. Pero kahit talaga anong pagod at hirap ang ibuhos nila sa paghahanap, hindi pa rin ito sapat upang makabalik sila.

Hanggang sa.......


Una't Huling Pag-ibig (jmsronquillo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon