CHAPTER 4

51 0 0
                                    

Diane's POV

Dumiretso na ako sa una kong klase. Ganun pa rin naman as usual, lectures, repeat. Wala nang nagbago sa araw ko. Pero Naiinis lang talaga ako sa nangyari talaga kanina. Bastos talaga yung lalaki na yun. Kala mo kung sino. Buti na lang talaga at may pamalit ako. Ang mahal mahal kaya ng damit ko. Mas mahal pa buhay niya.

"Bes, okay ka lang? Kanina ka pa tulala diyan." 

"Weh? Pano mo nasabi"  tulala ka diyan eh kanina pa ako nanahimik dito eh.

"DIANE CASTILLO!!! BAKIT KA NANAMAN BA NAKIKIPAG USAP DIYAN SA KATABI MO?! WALA KA BANG PAKE SA SUBJECT KO?! ILANG BESES MO NA YANG GINAGAWA, LABAS!!" nagulat na lang ako ng bigla akong sigawan ng prof. ko. Araw-araw na lang eh di pa ba ako nasanay? 

"Pero sir.."

"ANONG PERO PERO?? GUSTO MO BANG MAG FAIL YANG CHARACTER GRADE MO HA?!"

"Hatdog. Whatever." Binulong ko sa sarili ko tapos sinabayan ko na ng irap at lumabas na ako ng room. Bahala siya. Patalsikin ko siya sa school eh humanda siya.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Umuwi na ako sa bahay pagkatapos na pagkatapos ng klase namin. Hindi na ako nakapagpaalam kasi nga uwing -uwi na ako. 

Napahiga na lang ako sa kama ko at bigla na lang napaisip.

"Kailan ko kaya makakasama si mommy?"

"Darating pa kaya yun?"

Kahit na ganito ugali ko, siyempre tao pa rin naman ako, may nararamdaman. May kanya-kanya rin naman tayong pinagdadaanan, at eto yung saakin.

Gusto ko lang naman makasama yung nanay ko eh. Kahit yun lang. Pero dahil sa kawalan sa oras, ayun napabayaan na ako. Hindi man sa pangangailangan, pero sa oras. Oras na kailangan ng bawat anak. Kaya eto ako ngayon, nagrerebelde sa lahat ng oras na ipinagramot niya saakin.

Di ko na pala namalayan na umiiyak na ako habang tinitignan ang picture namin ni mommy nung bata pa ako. Hindi ko akalaing nung sanggol ko lang pala naranasan ang pag-aaruga niya saakin. Hanggang sa sobrang lungkot, naitulog ko na lang lahat ng sakit.

Una't Huling Pag-ibig (jmsronquillo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon