CHAPTER 3

76 0 0
                                    

Ethan's POV

"Grabe talaga yan pre. Sa lahat ba naman na puwede mong makabangga, si Diane pa talaga???" gulat na tanong saakin ni Cooper.

"Bakit ba? Ano bang meron sa babaeng yun? Ang alam ko lang mayabang siya at walang iniisip kundi ang mamahaling damit niya." di ko talaga maintindhian si Cooper.

"Alam mo ba? na si Diane ay isa sa mga pinakamayamang estudyante dito sa campus. Sa katunayan, ang pamilya niya ay may hati sa pagunlad nitong eskuwelahang ito kaya lahat ng utos niya nasusunod dito." sa narinig ko, medyo natakot ako, pero siyempre may pinaglalaban din naman ako.

"Wala akong pake kung mayaman siya o kung siya man ang may-ari nitong campus. Bakit ba masyadong mababaw ang babaeng yan? Damit lang, kinagagalit na kaagad ng sobra??" pagsabat ko.

"Kaya mo ba siyang sagutin ng ganyan ganyan lang kapag nakausap moo ulit siya?" pangisi niyang tanong.

"Oo naman!!" pagmamayabang ko.

"Puwes kausapin mo at baka sa isang pitik lang at mapatalsik ka dito sa campus" nang dahil sa narinig ko, mas lalo akong kinabahan kaya hindi na lang ako kumibo.

"Halika ka na nga pre, baka manigas ka na diyan sa takot HAHAHAHHA!!" 

Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na lang ako papunta sa klase ko para hindi niya makita ang hiya sa mukha ko pagkatapos marinig ang mga sinabi niya HAHAHAHA.

Una't Huling Pag-ibig (jmsronquillo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon