"You're expert in this?" I just shrugged my shoulders. "Have you been in a relationship before?" This time siya naman ang may ganang manukso. I am in a relationship... with Zaki.

"Nababasa ko lang sa novels, Ate. Atsaka huwag mong ibahin ang usapan, so sino siya?" tanong ko.

"Eeee kasi naman," parang batang kinikilig na ewan. She's so cute.

"Sooooooo???"

"It's Joe. Mojoe joe joe Lemaire." Nanlaki naman ang mata ko.

"Seryoso?" I asked. Tumango lang siya. "Kaya pala ganon kayo kung mag-asaran hahaha! I thought biro lang eh."

"Na-fall na rin ako sa unggoy na 'yon," pag-aamin niya.

"Eh ano pa palang hinihintay mo Doc.? Wake up! Say that you love him too," sabi ko.

"I'm planning to, kaso wala pa nga siya dito diba?" ay oo nga pala.

"Kaya pala parang hindi happy ang Valentine's day mo." I teased.

"Che! Uwi na," tumawa naman ako.

"Uuwi naman yon, don't worry...." I winked. "Mauna na ako soon to be Mrs. Lemaire."

"Hay nako Ithalia, ikaw talagang bata ka," kikilitiin niya sana ako pero tumakbo na ako sa pinto.

"I'm not bata anymore Ate," tsaka ko na sinara ang pinto baka kasi kilitiin pa ako non.

Kinikilig lang ako sa kanila.

Naisip ko naman si Zaki. Magpapakita kaya yon sa akin? O baka naman may bago na siya? Nakakainis kasi si Jyeo, iniwan niya ako nang hindi binibigay ang contact ni Zaki.

Lumabas na ako sa hospital at saktong may pumaradang kotse sa harap ko, isang black BMW dito sa harap ng hospital at kung hindi ako magkakamali ay kay Jyeo ang sasakyan na iyon. I suddenly felt excitement. Finally he's here.

Ilang araw na rin kasi siyang wala sa Pilipinas at ang sabi ay may business trip sa ibang bansa kasama 'yung apat. Nakakapanibago yes, hindi ko na kasi nakikita ang blanko niyang ekspresyon ng tatlong araw.

Bumukas ang pinto at hindi ko alam kung bakit ako nasisiyahan dahil doon. Ngunit disappointment naman ang naramdaman ko dahil si Carlos na driver ni Jyeo ang bumaba ng sasakyan at hindi si Jyeo. Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot.

"Miss Watson, ako na raw po muna ang susundo sa inyo dahil nagka emergency si Paulo," and he opened the door. Pumasok naman ako at hinintay na paandarin ang sasakyan.

"Ahm, Carlos..."

"Yes, Ms. Watson?"

"Do you know..." bakit ba parang atat kang makita si Jyeo, ha Ithalia?

Pinilig ko nalang ang ulo ko. "Pumunta muna tayo saglit sa sementeryo," tsaka ko sinabi kung saan.

"Yes, Miss Watson."

30 minutes passed when we arrived at memorial park.

Dala ko ang dalawang basket ng bulaklak at kandila na binili ko kanina nang nasa daan kami at pumunta sa puntod nila Mama at Dada.

Ni hindi ko nga alam kung saan 'to noong una akong pumunta dito, buti nalang at may nakapag sabi sa akin. Nasa hospital pa kasi ako noon at comatose habang inilibing ang mga magulang ko. Well kung meron mang mabuting nagawa si James iyon ay ang paglilibing ng maayos kila Mama at Dada.

I sat on the bermuda grass, inilapag ang mga bulaklak at sinindihan ang dalawang kandila.

"Hello there, love birds." Naiiyak na naman ako. I can't help it. I miss them so much.

Mafia Boss 1: Saved By Him Where stories live. Discover now