Chapter 6: Solved

285 10 3
                                    

"Mom... Could I leave Angelo to you?" kausap ko ngayon sa phone si Mommy

[I don't think we can babysit Angelo... I have an urgent meeting today and Zach will also be late cu'z he told me that he has a group work... I'm sorry Za...if you want, our maids will babysit Angelo... is that alright?]

"Ohhh... No. It's fine.. May naisip na akong pedeng tumingin muna kay Angelo. Thanks Mom! Bye!" then I ended our conversation.

It's not fine. Late ako uuwi ngayon kasi may group research ako.. kaya late ako uuwi.. Di ko naman ede iwanan ung baby ko sa mga kapitbahay jan.. baka mamaya kidnappin nila Angelo ko. Hmmmm... mejo nahihiya na ako humingi ng favor kay Lex...Every night din kasi siya nasa unit ko to help me kay Angelo.. Pano kaya? Pede naman yata iwanan ko muna siya sa clinic ng campus namin... kaya lang.. pagnakita ng mga classmates ko si Angelo, baka.....ung image ko....

UGH! Nevermind. Dadalhin ko na lng siya sa campus clinic. Babayaran ko na lang yung Nurse dun.

Tulak-tulak ko ngayon ung stroller ni Angelo... Awwww himbing ng tulog ng baby ko :3

Dumiretso kami sa clinic and iniwan ko siya sa kamay ni Nurse Tess. Magka-vibes naman kami kaya agad siyang pumayag .. At sympre may bayad !!! ahahahah!

*Ringgg. Ringgg* tunog ng school bell namin

Ok.. Start na ng classes ko. Hindi na ako makapaghintay mag-uwian! I want to play with Angelo na!

"Goodmorning Za! Blooming ka ngayon ah! Ano meron?" tanong ni Sol, ang best friend ko

"AHahahha! Nothing much. I just want to go home na!" nakangiting sabi ko

"Anu bayan teh! Kakapasok lang gusto nang umuwi! HAhahahah! Tabi tayo!"

"May choice pa ba ako? Dejoke! Loveyoubest!" sabay flying kiss ko sa kanya

"Yack. Dun ka na umupo sa tabi ng prof! Bahala ka!" kunyaring pagtatampo niya. Naupo na ako sa tabi niya and saktong dumating ung prof namin.

"Za... Nakopya mo ba ung notes natin kahapon? Pakopya naman." tanong ni Lina ang seatmate kong chismosa. Binigay ko sa kanya ang notes ko. "Ui, Alam mo ba si Hannah at ung MVP ng basketball nagdededate" bulong niya sakin

"Sinong MVP?" tanong ni Sol. Wow! So my best friend may blood na din ng chismosa.

"Si Lim.. ung hot na hot, ung tangkad-tangkad,ung ang tali-talino, ung talented, ungnakakamatay ung smile, ung nakaka---"

"Grabe ka Lina... tinatanong ko lang kung sino.. hindi ko tinatanong kung ano itsura niya." pagputol ni Sol sa long description ni Lina

So si Hannah pala ung pinupormahan niya. Bigla nawala ung excitement kong umuwi. suss... I don't care... Ano ba Za.. kahit saang angulo... concerned friend and neighbor lang sya.

Natapos na ang buong klase and sympre ang group research namin.

"Nurse Tess!" bati ko sa nurse sa campus clinic namin. "Kamusta po si Angelo?"

"Nako Iha! Napakaanghel naman tong kapatid mo! Paglaki nito pupusta akong gwapo toh!"

"Ahahha! Hindi ko po yan kapatid..but anyways, Thank you po Nurse Tess!" Binigay ni Nurse si Angelo sakin. Yay! Gising na gising ung baby ko!

"Ahhh ... siguro.. inaanak mo toh.. or pinsan mo.." hula niya

"Anak ko po." mahinang sabi ko. Tiningnan niya ako like parang gulat siya.

"Ahhh.. naiintindihan ko. Ok lang yan! Ung kapatid ko nga nabuntis ng ganyang edad eh.. pero mukhang mas mabuting siyang nanay kahit walang tumatayong ama kasya naman sa nanay namin na iniwanan kami para sa lalaki niya."

"I'm sorry to hear that Nurse Tess..Nurse... Pede po bang secret lang natin toh? Baka kasi mawala ako sa papagiging suma cum laude ko eh.. Dodoblehin ko po ung bayad." paki-usap ko. no choice na ako... Hindi naman pede na lagi akong umasa sa family ko para bantayan si Angelo.

"Oo naman! Ikaw pa! Malakas ka sakin eh! Oks lang sakin! Wala naman kasi akong ginagawa dito... panay record record lang ng mga taong kunyaring may-sakit! ahahhaha!"

"Thank you po Nurse! You're the best!"

Kinuha ko na si Angelo na tulog ulit. I'm so glad na solve na ung problem ko.

Pagkadating ko sa unit ko, biglang may nagtakip sa mga mata ko.

"Hulaan mo kung sino toh..." shunga... kilala kita.

"Hoy Lex... Tigil mo yan. Tanda-tanda mo na... asal bata ka pa rin." sabay tangal ng kamay niya sa eyes ko.

"Grabe ka ah! Magka-age lang tayo.. kung makatanda ka!" pagsusungit niya. "Kamusta naman ang date niyo ni Angelo?" 

"Masaya. :P Eh ikaw kamusta date mo?" 

....

....

Ano sabi ko??!! O_O Anu bayan!!! Baka isipin niya stalker niya ako or whatever.. Zarinah!!! hindi ka talaga nag-iisip!

"Wow! Galing! Pano mo nalaman?" gulat na tanong niya

"Ahh--ehhh-- you told me?" sagot ko

"Liar." Sh*t. Buking ako.

"Ok..ok... chismis ng classmate ko." 

"Chismosa ka na pala ngayon." then tumawa siya. Ewan ko.. parang napipikon ako sa lalaking toh. Pumasok na kami ni Angelo sa loob then pinagsarahan ko siya ng pinto.

"Oyy! Oy!! Za! Joke lang!! Kaw naman hindi ka mabiro!" paulit-ulit na sigaw niya. Hindi ko siya pinansin. Inasikaso ko na lang si Angelo. Hmp!

"Za naman eh!!! Joke lang! Walang pikunan!" walang tigil na kakasigaw niya sa pinto ko. -___-

Nang tapos ko na patulugin ulit si Angelo..ang epal sa labas mukhang paos na kakasigaw sa pinto ko.

"Za... wala akong naging date kanina...kelan pa naging date ang group study?... chismis lang un.. naniwala ka naman? "

Binuksan ko ung pinto ng dahan-dahan.

"Hayyyy.. kala ko hihintayin mo ako maging paos!"

"Ung nga ang plano ko. Buti alam mo" -___-

"Hoy Zarinah.. Ung totoo.. meron ka noh?"

"Ha??? Wala ah!" Loko toh ahhh! Pati regla ko papakielaman niya

"HALA!!! Buntis ka!" fake shock intonation niya

Sinamaan ko sya ng tingin at sinarhan ko siya ulit. 

"Hoy!!! Joke lang!!!! Za naman eh!!! May concert pa ako bukas!!! Pag ako naging paos... papakantahin kita."

Binuksan ko ulit ung pinto.

"Kelan pa nagkaroon ng concert ang sintunado?"

"Hoy... may singing voice din ako noh!"

"Hah! Hindi halata.. siguro may mag-vovoice over lang sayo! Ahahhah!" pang-asar ko sa knya

"Hay salamat! Tumatawa ka na! Soooo... bati na tayo?"

"Nag-away ba tayo?" pang-asar ko.

-________________- <--- mukha niya "Ewan ko sa'yo!" sabay pat niya sa ulo ko. "Good night Zarinah!"

"Good night din Alexander." then tuluyan sa siyang bumalik sa unit niya.

Proud Mom Ako! (MP/MG Sidestory)Where stories live. Discover now