Master Torture

39 0 2
                                    

A/N: ung naka ITALIC ay yung mga naiisip ng character.

ung mga naka-BOLD letters naman ay ung mga dialog. ayun lang ^_^

sana po magustuhan niyo ang simpleng chapter na ito ^_^

LOVE ~ LOVE~ LOVE~ is in the AIR ??

HAPPY READING ! :D

_______________________________________________________________________________

CHAPTER 11 –  Master  torture

“CLAIREEEEEEEE!!” si Jeru tinatawag si Claire. Makasigaw kala mo malayo yung tinatawag , nasa harap lang naman niya.

Nakatingin lang sa kanya si Claire, sa gulat na din sa mga pinagkikilos nito. Simula kasi sa 1st subject nila puro utos na lang ito sa kanya. Isa na dyan ang sagutan ang test paper niya sa Math. Yes, grabe na pagiging tamad ni Jeru pati test inaasa na kay Claire. As in  sa kanya na pinasasagot lahat. Pangalan lang yung kay Jeru the rest kay Claire na. naghihinala na nga yung teacher nila dun dahil sunud-sunod na exam na parehas ang ang score nila.. kapag 43/50 si Claire 43/50 din si Jeru. 

“ano ba yun ?!” sagot ni Claire sa lalaki.. nakakunot na ang noo nito at magkasalubong na din ang kilay.. bakas na sa mga mukha niya ang pagkairita sa lalaking kanina pa utos ng utos sa kanya.

“sulat mo ko ng assignment sa eco dali!” utos ni Jeru na may halong pagmamadali.. inaabot niya ang notebook kay Claire ngunit hindi niya ito tinatanggap.

“ano ba Claire ?! sulat mo na ko dadating na si Sir !” dagdag pa nito… nagulat siya ng biglang hinawi ni Claire yung kamay niya at umalis papunta sa mga kaibigan nito.

“HOY CLAIRE!!!!!” pigil nito pero hindi siya nito nilingon at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa mga kaibigan. Nakaramdam ng inis si Jeru kaya naibato niya ang notebook na hawak niya. “peste!” .

JERU’s POV

Anak ng…..! ngayon pa siya nag-inarte oh..kung kailan naman nagmamadali ako.. nakuuu naman malapit ng mag eco wala pa kong assignment !.

Nagpunta si Claire sa upuan ng mga kaibigan niya. At pumwesto talaga siya sa tabi ni Jastine. Porket alam niyang hindi ako nakakalapit sa kanya pag nandun yun.

Ok , babae po si Jastine , isa sa mga Bogs na medyo hindi ko nakakabiruan. Masyado kasing seryoso yung babae yun  eh..ok not really pero  pag ako yung nagbibiro palagi niya akong binabara. Hindi ko siya kasundo kasi against siya s’ken kahit hindi niya sabihin alam ko yun. Ramdam ko yun.

Tinignan ko si Claire sa mata . nananalig na sana makuha niya yung message ng tingin ko na igawa-mo-ko-ng-assignment-kung-hindi-yari-ka-saken . Tumingin lang din siya sa’ken at ngumiti. Yung ngiting ayoko-bahala-ka-sa-buhay-mo.

Papunta na ko sa kinalalagyan ni Claire para piliting igawa ako ng assignment ng may pumasok sa room na lalaki at hinahanap si Claire. Kung hindi ako nagkakamali taga-lower  section ang lalaking iyon. Gwapo. -_-

Nang pagkasabing pinapapatawag siya ni Ma’am Paula sa room nito.( Si Ma’am Paula yung teacher namin sa Math). Nagmadali itong lumapit sa lalaki na may malawak na ngiti sa mukha. Parang ganito ^_____________^ at tumingin pa sken bago lumabas ng room at umankla sa lalaki. Umangkla siya !? nako talaga yari ka sa’ken mamaya….

Wala na siya sa room at ilang minuto na lang papasok na dito si sir Ed para magturo at wala pa kong nasusulat..nakonaman..

Dinampot ko yung notebook ko sa sahig at nagdesisyong magsulat. Kahit labag sa loob ko. *sigh*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I hope so , they hope so, You don't think soTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon