NAP

50 1 2
                                    

CHAPTER 9

JERU's POV

Badtrip na mga kaibigan yun !

'kala ko pa naman alam nila yung buong plano ko. Hindi pala. At gusto pa nilang itigil ko na. Ano sila sinuswerte ? Kung kelan nag - eenjoy na 'ko ititigil ko pa. Never !

Pagkagaling ko sa canteen kung san ako nag walkout ,dumiretso na ko sa room ng next subject namin.

Sumilip ako sa bintana , nakita ko walang tao.

Ok 'to makakatambay ako sa loob.

Pumasok na ko at isinara ang pinto para walang makahalata na may tao.

Ginamit ko ang pag-iisa ko para mag-isip

flashback

Habang nasa basketball practice ang BUDS.

Masayang ibinalita ni Jeru sa mga barkada niya ang napagkasunduan nila ni Claire.

''Mga par pumayag siya !''

 ''Saan pumayag ? Saka sinong Siya ??'' pagtataka ni Patrick sa ibinalita. Huminto ito sa pagdidrible ng bola para marinig ang sagot ng kaibigan

''edi si Claire ! Pumayag na siyang maging alalay ko !'' nakangiting sagot ng lalaki. Sabay agaw sa bolang hawak ni Patrick at binato sa ring. Shoot !

'' ANO ? SI CLAIRE ?! ALALAY MO ?!'' tanong nung tatlo. In chorus ! Lumapit ang mga ito sa kanya na seryoso ang mga mukha. Inaabangan ang sagot ng kaibigan.

''Oo , siya . Bakit ? May problema ba ?''

''wala naman par...pero bakit alalay ? Saka anong pumasok sa utak mo at naisip mong ayun ang ipagawa sa kanya ?'' wika ni Kent habang nakaakbay sa balikat ng kaibigan.

''pag naging alalay ko kasi siya sakop na lahat. Gagawin niya lahat ng sasabihin at ipapagawa ko. Saka diba siya naman nag alok nun na gagawin niya lahat mapatawad ko lang siya?'' pagpapaliwanag nito. Dinampot ulit ang bola para ishoot ngunit naudlot ng magtanong si vince

''so anong plano mo, aalilain mo talaga siya ? Par ,babae yun !''

Nanahimik saglit si Jeru. Napaisip siya sa tanong at paalala ng kaibigan. Ano nga ba ang plano niya? Hindi niya din alam dahil yung unang dahilan kung bakit siya pumayag sa alok ni Claire ay para gumanti. Pero hindi niya alam kung paanong ganti ang gagawin niya.

''Itotorture ko sya then sasaktan emotionally.'' simpleng sagot nito. At pinagpatuloy ang naudlot nag pagshoot sa bola na seryoso ang mukha.

Kitang-kita sa mukha ng tatlong kaibigan nito ang gulat at pagtataka sa narinig nilang sagot.

Tinutulan man nila ang planong gawin ng kaibigan ngunit wala rin silang nagawa. Kahit kailan kasi , hindi pa nakinig sa kanila ang kaibigan. Kung ano ang desisyon nito , ayun na ang masusunod.

End of Flashback

Pumayag na sila sa plano ko tapos ngayon. Aish.

''Mongs?'' may tumawag sa'ken , pamilyar yung boses. Si C.L siguro. Siya lang naman may lakas loob na tumawag sa'ken ng mongs.

Lumapit ako sa pinto at sumilip kung may tao nga dun.

I hope so , they hope so, You don't think soWhere stories live. Discover now