“Eh di sa tabi ng babaeng mahal ko.” Tumingin ako sa mga mata niya.

Umiwas ito. Dinaan ang kamay sa buhok.

“Ayun, ay kung makahanap ka ng mabibiktima mo at gugustuhin mong mag-settle.”

“Hindi naman malabong mangyari yun. Before kasi, di ko naisip yun. Ni hindi ko nga naimagine. Pero things happen, people change.”

“Sabagay…” Parang malungkot na tono ang lumabas sa bibig niya. Uminom siya ng beer niya halos maubos na niya ito. Tumingin siya sa akin, inalis niya at humiga ulit sa grass.

“Are you tired?” I looked at her.

“Gusto ko nga sana matulog dito kaso takot ako baka may ipis or anong insekto.” Nakatingin lang siya sa langit.

“Pwde naman if you want. Sasamahan kita dito. I’ll just get us blankets.” Tatayo na sana ako nang pinigilan niya ako.

“No, it’s fine.” Umupo ako ulit. “Stay with me.”

I felt a lump in my throat.

She was still holding my hand.

“Of course.”

I moved  her head so she can lay on my lap. I held her hand and kissed her forehead. Kinumot ko ang sarong niya sa kanya. I leaned my head against the bench. We were just like that until the sun rose.

----------------------

May gumising sa amin. Si Jordan. Mataas na ang sikat ng araw.

“Pinsan, bakit dito kayo natulog?”

Hawak ko pa rin pala ang kamay ni Zelene, yakap niya ito habang natutulog sa lap ko. I can’t feel my legs.

“Oh sorry, anong oras na ba?” Tumingin ako sa relo ko, 9AM. Kaya pala ang sakit ng likod ko.

“Gigising na ang lahat, makikita kayo.” Matipid na sabi nito. Hindi siya nagtatanong dahil alam na niya.

“May nakakita na sa amin kagabi.” Dahan dahan kong ginising si Zelene.

“Akala ko ba you’re hiding it.”

“I don’t wanna hide anymore.”

Dumilat na si Zelene, nagulat nang makita si Jordan. Umupo ito agad at inayos ang sarili.

“Hi Jordan.” Sabi nito.

“Sige na, mag-ayos na kayo. Gigising na yun iba.” Nakangiti itong bumalik sa loob ng bahay.

“Alam na nga pala ni Jordan.” Narinig kong sabi ni Zelene. Napatawa ako.

“Alam ko naman makakahalata siya. Malimit na niya akong tinutukso tukso pero hindi naman niya binabanggit ang pangalan mo. Tara na sa loob.” Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya para maglakad.

“Zeke …” binawi niya ang kamay niya.

“Halika na.” Hinawakan ko ulit. Naglakad na kami papasok. Hiniwalay niya agad ang kamay nang makita si Richie. Diretso itong umakyat para maligo.

 ----------------------

Kinagabihan ay nagkayayaan mag-bar, hindi pa nakuntento sa bahay ang mga to. Nauna kami ni Arvin at Will, kilala kasi namin ni Arvin ang may-ari ng bar at nagpa-reserve ng VIP area. Si Zelene kasi nag-insist doon siya kila Nadine sasakay. Si Richie at asawa nito kila Julianne naman. Nakaupo na kami sa VIP nang dumating sila Julianne. Wala pa rin sila Zelene. Maya-maya naaninag ko na si Louie at Nadine palapit sa amin. Nasaan yun babaeng yun. Baka nag-CR. Tingin ako ng tingin sa relo ko.

All Strings Attached (taglish)Where stories live. Discover now