Nang biglang yumakap si Deanna dito

" Pasensya na na miss lang tlaga kita " sabi ni Deanna ng humiwalay na siya ng yakap sa kaibigan

Ginulo ni Anna ang buhok nito na lagi niyang ginagawa dati kay Deanna

" Okay lang yun, sige I have to go " at umalis na

Nakangiting bumalik naman si Deanna sa table nila

" sino yun? " tanong ni Ponggay

" anong sino yun? " balik tanong naman ni Deanna

" yung babaeng kayakap mo, hala sumbong kita kay Jema " pananakot nito sa kaibigan

" wala lang yun, kaibigan ko lsng yun kasama ko sa team nung highschool " pagdahilan ni Deanna

" Deanna guess what alam mo bang kinuhanan ka ng video nitong si Jules e sesend niya raw kay Jema " natatawang kwento ni Pongga

Bigla syang sinalakay ng kaba sa narinig

" Hoy burahin mo yan! " sigaw ni Deanna kay Jules

Tumawa lang ito

" buburahin namin pero ikaw magbabayad nitong lahat " sabay turo ng mga inorder nilang pagkain

" Chips lang at Ice Tea inorder ko tapos pagbabayarin nyo ko ng mga kinain nyo " iritang reklamo ni Deanna

" bayaran mo na kasi marami ka pang sinasabi " sabad naman ni Maddie

" Aishhhh!! wala ba kayong mga magulang? bat ba lagi sakin nyo pinababayaran yung kinakain nyo? anak ko ba kayo? " naiinis na wika pa ni Deanna

" mas masarap kumain ng libre Dean " si Ponggay naman nagsalita

" Hindi ko babayaran to kahit anong gawin nyo " pagmamatigas ni Deanna

" Okay madali akong kausap " sabi ni Jules at may kinalikot sa phone niya

Maya maya nag ring phone ni Deanna video call lumabas ito ng bar para masagot ang tawag ng babaeng 1 week na niyang hindi kasama

" Hello Bib " bati niya dito

" san ka? " tanong sa kanya ni Jema

" Dito kami sa bar ngayon nagyaya si Bea " -Deanna

" uminom ka? " Jema

" Hindi Bib, Ice Tea lang ako alam ko naman na bawal akong uminom kung hindi ka ikaw kasama ko " -Deanna

" bakit anong sabi na may nilabag kang rule daw " -Jema

" sino nagsabi? " -Deanna

" Sabi ni Jules " -Jema

Napamura si Deanna

"papahamak tlaga ako ng mga ito oh" -Deanna

"ano sabi mo? " -Jema

"wala bib, nagbibiro lang yun sila goodgirl ako dto " -Deanna

" siguraduhin mo lang ha kung malaman ko lang tlaga na nilabag mo kahit isang rule lang, hindi ka tlaga makakatikim sakin pag uwi ko" -Jema

" Bib kalma ka lang, Trust me Loyal tong Girlfriend mo" -Deanna

" okay sige na maya na lang ulit I love you " -Jema

" I love you Bib " at inend na ang vcall

Inis siyang bumalik sa table nila

" So Dean ano na? "

" Papahamak nyo tlaga ako alang alang dyan sa pagkain nyo, ang yayaman nyo sakin nyo pa pababayaran yan, mahiya naman kayo " sumbat niya sa mga kaibigan

Pinagtawanan lang siya ng mga ito

Nilabas ni Deanna ang wallet niya at kinuha ang credit card niya, kukuhanin na sana ito ni Jules pero hinigpitan niya ang pagkakahawak sa card, inilahad ni Deanna ang isang kamay niya kay Jules, na gets naman yun ni Jules natatawang binigay niya ang phone niya at tska lang binitawan ni Deanna ang credit card na hawak niya
.
---

Humihikab si Deanna habang naglalakad papasok ng gym, matamlay itong umupo habang inaayos ang bag na dala

" Mukhang hindi ka nakatulog kagabi ahh " puna ni Ponggay sa kanya

" Inaantok pa ako Pongs, kulang ang tulog ko " malumanay na sabi ni Deanna at sinandal ang ulo sa balikat ni Ponggay

" Pagdating namin sa Dorm tulog kna, nauna ka ngang umuwi samin kagabi, tapos kulang pa rin tulog mo " kunot noong wika ni Ponggay

Hindi na nagsalita si Deanna, pagtingin ni Ponggay sa kaibigan ay mukhang naka idlip na ito pag ganito tlaga ka antok to ang bilis makatulog

" Deanna umayos ka nga, warm up na tayo nandyan na si Coach " sabay galaw ng balikat niya

Mukhang nagising naman si Deanna sa pagka idlip nito

" Pong naman eh " inis na sabi ni Deanna

"Tumayo kna dyan, kung gusto mo ng punishment wag mo ako idamay " at naglakad na si Ponggay patungong court

Lulugo lugong tumayo si Deanna at iniunat ang katawan

Nasa kalagitnaan sila ng training ng biglang may pumasok na estudanyanteng may dalang bulaklak

Kinausap niya si Coach Oliver dahilan para magpatawag ng WaterBreak si Coach

" Deanna hinahanp ka ng batang to ho " wika ni Coach at iniwan sila

" Miss Deanna para po sa inyo " sabay bigay ng batang estudyante sa kanya

" Ano yan? " tanong ni Deanna pagkatpos niyang uminom ng tubig

" Hoy Deanna ayusin mo nga yang pakikitungo mo sa bata parang maiihi na sa katarayan mo " sita sa kanya ni Jules

Pag ganito kasing antok siya at pagod lumalabas tlaga ang pagkainitin ng ulo niya, huminga ng malalim si Deanna bago kinausap ang bata

" Alam mo boy masyado ka pang bata para dito, yang bulaklak na yan ang mas maganda pa ibigay mo sa Mommy mo matutuwa pa siya niyan " advice niya sa bata

" Hindi naman po sakin galing yan " sagot naman nito

Nakakunot noo namang tiningnan niya ang mga ka kateammates, nagkibit kalikat lang ang mga ito

" so kung hindi sayo, kanino galing yan? " tanong niya sa bata

" sa kanya po " sabay turo sa taong nasa likod nito

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now