JeDean LXXII

11K 194 2
                                    

" Deanna may pagbibigyan kba ng ticket? " tanong ni Coach Oliver

Kakatapos lang ng training nila ngayon, wala ng benda kamay niya, nawala na rin ang pamamaga at sakit naiwan na lang yung sugat niya na kelangan lang linisin

" wala po Coach " sagot ni Deanna

" sigurado ka? " tanong pa ulit ni Coach O sa kanya

" Yes Coach "

" Kung magbago ang isip mo tawagan mo lang ako " sabay tapik sa balikat ni Deanna

Hindi naman sa ayaw niyang papuntahin si Jema sa game niya kaso mahirap andun si Fehn baka uminit lang ang ulo niya pag nakita niyang nakatitig ito sa Girlfriend niya

Suot ang short pang training at Varsity Jacket lumabas ito ng gym, nag decide na lang syang mag take out ng lunch para sa kanilang dalawa ni Jema at sa family nito

Lumabas siya ng sasakyan dala ang tnake out niyang food, nang mapansin niya ang kotseng nakaparada sa harapan ng apartment ng kasintahan, nag doorbell ito habang pasulyap sulyap sa kotseng nakaparada, maya maya pa ay may nagbukas na ng gate

" Bib ? " gulat na tanong ni Jema

Hinalikan naman siya sa noo ni Deanna ng makita ito

" Oh bat parang gulat na gulat ka? " tanong nya pa sa babaeng nagbukas ng gate

" ah w-wala akala ko kasi... ahh ehh hindi ko alam na pupunta ka  " nautal na wika ni Jema

" d pa ako nakapag lunch ehh, so nag take out ako ng food tara samahan mo ako kumain? " tanong ni Deanna sabay pakita ng pagkaing tnake out niya

Sinirado ni Jema ang gate

" san ba natin kakakinin yan? " kabadong tanong nito kay Deanna

" sympre dito sa aparment mo " sagot niya sa tanong ni Jema

" ehh kakahiya naman Bib kung tayo lang kakain dba? " nakangiwing sabi ni Jema

" bumili rin naman ako para sa parents mo at kay Mafe "

" ahhhh k-kasi B-Bib " kabadong wika ni Jema

" may problema? ayaw mo?  " nagtatakang tanong ni Deanna

" gusto ko Bib, kaso may bisita kasi sina Mama at Papa nasa loob " kinakabahang sagot ni Jema

" family member? "

" H-hindi ah.. h-hindi ko alam kung pano s-sabihin sayo  to eh  " nalahilamos ng mukha si Jema

" ano nga meron "

" JEM hinahanap kna nina Mama si Fehn daw dun bat mo iniwan  " pag iisturbo ni Mafe sa kanilang dalawa

" Oh hi hello Ate Deanna " nakangiting bati ni Mafe nang makita s Deanna

Tiningnan naman siya ng masama ni Jema

" Ops! Sorry! " sabay peace sign ni Mafe at bumalik na sa loob

Kagat labing tiningnan ni Jema si Deanna, nang makitang walang emosyong makikita sa mukha ng kasintahan ay mas lalong itong kinabahan

" Bib " takot na tawag ni Jema

" okay lang " sagot ni Deanna

" Sigurado ka?  "

Tumango siya at huminga ng malalim

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon