JeDean XLIV

13.4K 239 0
                                    

" How is your study going? " seryosong tanong ng Daddy ni Deanna

" Okay naman po Dad "tipid na sagot niya sa ama

" enlighten me Izabella " pormal na utos ng Daddy niya na sa kinakain ang tingin

Huminga muna ng malalim si Deanna bago sumagot

" ahmmm.. my studies doing great Dad, na mi maintain ko naman po ang grades ko and I'm still in top 10 "

" Make sure ma maintain mo ang grades mo at standing mo sa school. or else i'll force you to quit that sport " seryosong banta ng Ama

" Diba po Dad, ikaw ang may gusto na pasukin ko ang mundo ng sports? " tanong ni Deanna

Tiningnan siya ng Daddy niya at napayuko naman bigla si Deanna nang makita ang seryosong tingin ng Ama

" Hindi ko yun itatanggi, pero walang kasiguraduhan ang mundong ginagalawan mo ngayon Izabella, ang sports parang mundo din ng showbiz, pag hindi ka na magaling nalalaos ka. At ayokong mangyari yun sayo " at binalik ang tingin sa pagkain

Nandito siya ngayon sa bahay nila sa Cebu, at kasalukuyang kumakain ng Dinner.

Ito ang gusto ng Daddy ni Deanna ang sabay sabay silang kumain pag kumpleto silang magpamilya

" si Gerard anak kamusta? " pag iiba ng usapan ng Mommy niya

" Okay naman po siya Mom ' tipid na sagot ni Deanna

" Nagkikita naman ba kayo?, " tanong ulit ng Mommy niya

" Oo naman po, pero hindi palagi kasi busy rin siya sa studies niya " balewalang sagot ni Deanna

" This Gerard, you look good together Izabella" singit ng Daddy niya sa usapan nila ng Mommy nya

" Dad me and Gerard were just friends, and it will remain that way " paniniguro ni Deanna

" well too bad, because I like him for you, he's good to our business " sabi naman ng Daddy niya

" But I dont like him Dad " giit ni Deanna

" I won't force you Izabella, but make sure you have the best reason why I shouldn't force you to him " seryosong saad ng matanda

Hindi na kumibo si Deanna at pinabayaan na lang magsalita ang Ama

" in two years ggraduate kna, and i want you to focus on our business after you graduate. I'm planning to put up a new business here in Cebu, together with Gerard's Father, and the Rivero's. I want you here together with their son's " mahabang saad ng Daddy niya

" Gerard and Ricci? " kunot noong tanong ni Deanna

" Yes, make friends with them para hindi ka na mahirapang pakisamahan sila " tila natutuwang sabi pa ng Daddy niya

Biglang napahimas si Deanna sa kanyang ulo. Napansin naman ng kapatid niya na hindi na ito okay.

" Dad hindi ba masyadong maaga pa para pag usapan ang business? I mean nag aaral pa si Deanna, bakit hindi po muna natin siya hayaang mag enjoy sa college na walang inisip na business in the future " singit ni Nicole sa usapan

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon