JeDean XVII

15.1K 285 9
                                    

Nasa harapan ni Jema ang dalang pagkain kanina ni Deanna para sa kanya, at nang makaalis na ito ay walang kibong kinuha niya ang pagkain at pinasok sa loob ng apartment.

" wala naman kasing kasalanan ang pagkain sa akin kaya okay lang na ipasok ko, tama.. " kausap ni Jema sa sarili, pero ang totoo na konsensya siya sa ginawa niya, hindi niya lang maamin dahil nagseselos sya

Hanggang ngayon nag eecho pa rin sa kanya ang mga sinabi ni Bata sa knya kanina

" ang sama mo Jema, bakit ba kasi hindi mo kinontrol yung ugali mo " Kastigo nito sa sarili

" Wow Donut, pahingi ako " sabi ng bagong dating

Hindi namalayan ni Jema ang kapatid niya na dumating, dahil okupado na ni Deanna ang isip niya, kasabay ng pagkakasabi ng kapatid niya ang pagbukas ng box ng donut, kumuha ito ng isa tsaka kinagat

" Sarap tlaga " puri ni Mafe sabay upo sa harapan ni Jema

Napatingin si Jema sa nagsalita at nagulat ito na andto si Mafe

"kanina kpa? " takang tanong ni Jema sa kapatid

" Yup d mo ako napansin na dumating haha, lalim yata ng iniisip mo " at kumagat uli ng donut

Napansin ni Jema yung kinakain ng kapatid niya kaya binalingan niya ng tingin ang isang box na Donut na bukas na

Kakagat pa sana si Mafe ng isa ng agad ito kinuha ni Jema sa kamay niya at binalik sa loob ng box

"ano ba naman yan, ang dami naman yan oh akin na yung isa " akmang kunin nya yung kinakain niya kanina, pero tinampal ni Jema ang kamay ng kapatid niya

" Selfish mo naman, parang Donut lang naman ehh " simangot na sabi ni Mafe

" whatever, teka bakit andto kna akala ko bukas pa ang uwi mo? " tanong ni Jema sa kapatid

"badtrip si Mama sakin kaya yun pinauwi na ako dto sa manila " nakangising sagot ni Mafe

Sinamaan naman siya ng tingin ni Jema

" D kna mabiro, napa aga ako ng uwi kasi maaga ako bukas sa school, maghanap daw kami ng requirements para sa project namin sa isang subject " paliwanag ni Mafe

Hindi na kumibo si Jema at pinasok sa loob ng ref ang biniling food ni Deanna para sa kanya

" Jem ano ang food? " tanong Mafe at pumunta sa ref para maghanap ng pagkain

" hindi ako nagluto kasi hindi ko naman alam na uwi ka ngayon, maghanap ka na lang dyan sa ref ng lulutuin mo " sagot ni Jema

" wow Fried Chicken " sigaw ni Mafe at agad nilabas sa ref ang isang bucket ng chicken joy sa jolibee

Napalaki ang mata ni Jema sa narinig kaya dali dali siyang bumalik sa baba

" wag na wag mong gagalawin yan!! " banta ni Jema sa kapatid

" ang siba mo naman Jem, may donut ka na nga pati ito ayaw mong bigyan ako " parang batang sabi ni Mafe

Naglakad naman palapit sa kanya si Jema at kinuha ang isang bucket ng chicken joy sa kamay ng kapatid..

" hindi to pwedeng kainin ng kahit na sino, sakin lang to.. para sakin lang to, binili niya sakin to...kaya sakin to " nakataas na kilay na sabi Jema

" wow may ganun tlaga? wala bang para sa kapatid mo to, hatian mo ang kapatid mo.. bigyan mo ang kapatid mo.. wala bang ganun? " tanong ni Mafe

" hindi kba nakaintindi ng sinabi ko? Exclusive nga lang sakin to " nakairap na sabi ni Jema

" may bago na naman bang manliligaw si Jema? haha.. Ayos mapaparami naman ang kain ko nito, kelan mo ako ipapakilala sa kanya Jem? " nakangising tanong ni Mafe

Binatukan naman siya ng kapatid

" in your dreams.. magluto kna nga dyan, at hugasahan mo pinaglutuan mo bago ka matulog... Mafe sinasabi ko sayo pag bukas ng maaga may nakita akong nakakalat na pinggan dyan sa lababo kahit tulog kpa gigisingin kita tandaan mo yan " paalala nito sa bunso nila

" Oo na tsupi, layas kna dito at dalhin mo yang Exclusively for you na pagkain mo, Damot " at tinalikuran ang babae

Umakyat naman si Jema sa kwarto, nilapag niya sa higaan niya ang Donut at isang Bucket ng chicken joy bago pumasok sa banyo para magshower

---

Palabas na si Jema sa banyo habang papasok naman si Mafe sa loob

" Hindi ka kaya langgamin diyan " sarkistong sabi ni Mafe ng makita ang pagkain na nakalapag sa ibabaw ng kama nito

" Langgam lang yan " matapang na sabi ni Jema

" Ehhh d, dagain.. hindi ka kaya dagain diyan Jem? " pag asar nito kanyang Ate

" anong bang pakialam mo? at tsaka bakit andto ka alam mong bawal pumasok sa kwarto ko " naka cross arm na sabi ni Jema

" alam ko, hihiram lang ako towel naiwan ko sa laguna yung sakin, dba may extra ka naman dito " at agad binuksan ni Mafe ang cabinet ng Ate niya nang biglang

" Wow kaninto tong Varsity Jacket nato? " sabay labas ng kulay blue na Jacket

Nagmadali naman na kinuha ni Jema sa kamay ng kapatid ang hawak na Jacket nito

"ahhh so Atenista pla.. player din? Anong sports Jem? Basketball? Volleyball? Badminton Player? o baka naman Choreographer? hahahahha" pagbibiro ni Mafe

Binatukan ulit siya ni Jema

" nakakadalawa kana Jem ah, pero infairness.. mukhang mas bet ko tong bago mo, hindi ko pa nakikita mukhang panalo " makahulugang sabi ni Mafe

" anong bang pinagsasabi mo? tumabi ka nga dyan " binalik ni Jema ang Jacket sa loob ng Cabinet at at kinuha ang nakasabit na towel at pabalyang binigay sa Mafe

" ito na yung towel mo lumabas kna sa kwarto ko, alam mong bawal ka dito, labas " sabay tulak sa kapatid

Nasa pintuan na si Mafe palabas, nang lumingon ito sa kapatid niya

" Jem, good choice.. ma search nga mamaya sa internet, "Love Interest of Jema Galanza" ... buwahahahahahha " tatawa tawang sabi ni Mafebago nagtatakbo pababa

"Baliw na tlaga tong kapatid ko " iiling iling nsa bi ni Jema bago sinirado ang pintuan ng kwarto

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon