Chapter 1

48 3 7
                                    

Kasalukuyan nasa  class room kami at abala sa pag di-discuss ng lesson namin ang aming Teacher na Math. Lahat ng mga kaklasi namin busy sa pag ti-take down notes ng mga isinusulat sa board at ganon nadin ang mga sinasabi nito.

Kasalukuyan kong  katabi si Lance at parang napaka laki ng MB ng utak nito at hindi man lang nag susulat at nakatingin lang sa teacher namin habang nag sasalita ito sa harapan, alam naman ng lahat na kahit hindi ito nag notes ay napakatalino nitong katabi ko. By the way mag papakilala pala muna ako sa inyo ,  ako pala si Samantha Grace Sheon 18 years old at ito namang katabi ko sya naman si Lance Joseph Madrigal 19 years old buo nyang pangalan.

Mag bestfriends ang mga parents namin ni Lance kami ay mag kaibigan lang . Bakit kaibigan lang kasi para sakin magkaiba ang definition "best friends" sa "kaibigan" lang.

Naisipan ng mga parents namin na pag-aralin kami sa iisang school  mula kindergarten hanggang sa mag college na kami,  iwan ko ba kung 'bat ganon ang mga desisyon ng  mga parents namin kahit bahay namin hindi din nag kakalayo iisang village lang din kami.

Pareho kaming Marketing Student iba ang hilig naming course pero ito ang gusto nag parents namin kaya ito nalang din ang kinuha naming course ni Lance. Mga Business partners din ang mga parents namin kaya napag connect namin bat ito yong course na pina kuhana nila samin.

Balik tayo sa classroom namin like what i said  sya lang talaga yong hindi nag  ti-take notes dito sa loob at naka tingin lang talaga  ito sa harap at wala man lang expression sa mga mukha niya.

As a friend kailangan kong damayan si Lance dahil kakabreak lang nila ng longtime girlfriend nyang si Jasmine isang cheerleader at campus crush kung tawagin ng karamihan as a frined wala naman akong nakitang masamang ginawa si Lance upang hiwalayan sya nito.

Mabait na boyfriend si Lance he is a kind of guy that all girls dream kumbaga nasa kanya na ang lahat mayaman, mabuting uagali , cute na gwapo pa , gentleman, mapagbigay, maalaga, mapagmahal, loyal, thoughtful. Saan kapa wala kanang hahanapin pa sa isang Lance Joseph Madrigal.

Pero nagulat ang lahat 'nong biglang umugong ang balita sa buong campus yong matagal na kinaiingitan ng karamihang na love story ng kaibigan ko at ni Jasmine ay bigla nalang na tapos. Alam ng buong Cliford High University ang relasyon nilang dalawa dahil pareho silang active sa school namin varsity player si Lance at Cheer Leader naman si Jasmine.

Walang may nakakaalam kung ano ang dahilan ng pag break nila ang tanging alam lang ng lahat nag break lang talaga sila. Tapos ang kwento.

Nag pakawala naman ako ng isang buntong hininga at naisipan ko nalang na makinig sa discussions ni Miss Lim para kahit papano may ituro ako sa katabi kong to sa ngayon kasi hindi ko alam kung saang planeta na sa universe napunta ang utak ng kaibigan ko.

Nasa point nako na na absorb ko na ang mga discussions ni Miss Lim ng bigla nalang tumayo sa kalagitnaan ng klasi si Lance.

"Yes Mr. Madrigal?" tanong ng teacher namin kay Lance.

"i need to go to Lavatory Miss Lim." sabi nito.

Tumango nalang bilang sagot ang teacher namin kay Lance.

Akala ko ito lang ang lalabas pero laking gulat ko ng bigla nitong hatakin ang kamay ko at isinama palabas ng classroom namin.

Hindi nayon iba sa mga teacher at ka-klasi namin kung nasaan si Lance nandoon din dapat ako. Kaibigan nga ako diba?? A shoulder to lean on ganon.

"Lance sandali saan tayo pupunta??" tanong ko sa kanya habang hinahawakan ang wrist ako.

Hindi ito kumibo kaya tinanong ko sya uli.

Just A FriendWhere stories live. Discover now