Our Song - Part 11

3.1K 128 8
                                    

HINDI pa rin makapaniwala si Cham kahit na nakaupo na siya sa isang panig ng coffee shop na kadikit lamang ng building ng Diamond Records na kaharap niya nga si Rick. Ayaw ring umayos ng puso niyang hindi bumabalik sa normal ang tibok. Hindi rin niya mahawakan ng maayos ang tasa niya ng kape dahil nararamdaman niya ang panginginig ng mga kamay niya at natatakot siyang mahalata iyon ni Rick.

Nang ayain siya nitong magkape upang makapag-usap sila ng maayos ay muntikan ng mahulog ang puso niya. Maging ang mga kaibigan niya ay inalok nito pero tumanggi ang mga ito at nagdahilan ng kung anu-ano na alam niyang wala naman talagang katotohanan. Alam din niya na kahit hindi nagreact ang mga ito ay nakita niya sa paraan ng pagtingin ng mga ito sa kaniya nang umalis ang mga ito na kakailanganin niyang magpaliwanag pagkauwi niya sa apartment nila.

"Drink your coffee before it gets cold," magaan ang tinig na sabi nito sa kaniya. Nakatukod ang isang siko nito sa lamesa habang nakatingin sa kaniya. Iisipin ng kahit na sinong makakakita sa ekspresyon sa mukha nito na matagal na silang magkaibigan at noon lamang ulit nagkita.

Wala sa loob na nakuha niya ang tasa ng kape at humigop doon. Agad na nailayo niya ang tasa sa bibig niya at napangiwi. "Ang pait," nausal niya nang malasahan iyon. Mabilis na inilapag niya iyon sa lamesa.

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "And here I wonder if you really prefer black coffee dahil hindi mo inabalang lagyan ng asukal o creamer man lang ang kape mo. You're funny," puna nito. Nawala sa isip niyang gawing iyon dahil masyadong tuon ang atensyon niya rito.

Napatingala siya rito. Kahit papaano ay nakatulong ang mapait na lasa ng kape para kumalma siya. "Mukhang mas okay ka na ngayon kaysa noon," aniya rito.

Saglit itong natigilan bago ngumiti. "Yes I am better now," simpleng sagot nito at humigop sa sarili nitong kape. Kung hindi lang siguro siya aware na aware dito at kung hindi lamang malalim ang damdamin niya rito, malamang ay naniwala siyang totoong mabuti na ito. Sure, he looks better than the last time she saw him. Ngunit hindi pa rin nakaligtas sa mga mata niya ang bahagyang pagdaan ng kung anong lungkot sa mga mata nito.

Bago pa siya makaapuhap ng muling sasabihin ay nagsalita na ito. "So, you're name is Cham." Natigilan siya dahil hindi niya alam kung paano nito nalaman ang pangalan niya. Nang tila mabasa nito ang iniisip niya ay bahagyang lumawak ang ngiti nito. "Narinig kong tinawag ka ng isa sa mga kaibigan mo kanina. What's your whole name?" tanong nito sa kaswal pa ring tono.

"Charmaine Alfaro," sagot niya.

"Charmaine," ulit nito. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil may munting kuryente siyang naramdaman sa mga ugat niya dahil lang sa pagbanggit nito sa pangalan niya. "Maganda ang pangalan mo pero nakalimutan mong banggitin noong una tayong nagkakilala."

Tuluyan nang nag-init ang mukha niya sa pagpuri nito. "Nawala sa isip ko. Hindi ka rin naman nagtanong," sagot niya.

Tila naman nag-isip ito. "Point taken. Ang sabi mo rin sa akin noon number one fan kita. Pero kahit kailan hindi kita nakita sa kahit isang gig namin. And don't deny it. I always skim the crowd but I never saw you."

Napamaang siya rito. Tama ba ang dinig niya? Hinahanap siya nito tuwing may gig ang mga ito? Malapit na yata siyang mag hyperventilate sa sinabi nito. Tumikhim siya at bahagyang yumuko. "Nanonood ako. Palagi akong nanonood. Hindi mo lang ako makita kasi nasa malayo ako. Besides wala rin naman akong balak magpakita sa iyo kasi, akala ko hindi mo na ako natatandaan," tapat na sabi niya.

Matagal na namagitan ang katahimikan sa pagitan nila bago ito nagsalita. "What made you think that I no longer remember you?" Napaangat ang mukha niya sa narinig niyang kaseryosohan sa tinig nito. Nang masalubong nga niya ang mga mata nito ay nakumpirma ang hinala niya.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon