Chapter 9

53 7 2
                                    

Haruka

Hindi ko alam kung tatanaw ba ako sa lalaking ito ng utang na loob o hindi. Inaalagaan niya ako ngayon at dinala pa niya ako dito sa bahay nila.

Nakahiga lang ako ng biglang bumukas ang pinto, nakita ko si Haruki na nakatayo dala ang isang tray.

"You need to eat," he said pero umiling naman ako "I have no appetite," sabi ko naman sa kaniya pero lumapit siya sa akin.

"Wag kang maarte, hindi ka gagaling kapag hindi ka kumain." Bakit ba kasi nagpupumilit 'tong lalaking ito kapag ayaw ko ayaw ko.

"Mas okay ng hindi gumaling di ba? Ayaw mo nun wala ka ng kaaway," sabi ko naman sa kaniya.

Napailing naman siya dahil sa sinabi ko "Mawawalan na ako ng dahilan na pumasok sa school pag nawala ka," sabi naman niya nanlaki naman ang mga mata ko.

"Ano?" Napasigaw naman ako dahil sa sinabi niya, he suddenly smirked "Mawawalan an ako ng kukulitin sa school so magiging boring kaya dapat hindi ka mamatay."

Inilapag niya sa gilid yung tray at kumuha siya ng isang kutsara at akmang susubuan ako ng bigla akong nagsalita.

"May sakit lang ako pero may kamay pa ako, kaya ko ang sarili ko," sabi ko naman sa kaniya at kinuha ko yung kutsara na hawak niya.

"Okay okay sabi mo eh ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa itong galit, bakit ba lagi kang galit sa amin huh?" Tanong naman niya sa akin.

"Hindi mo pa din ba alam? Di ba nasabi ko na, lalaki ka yun ang dahilan." Sabi ko naman habang kumakain ako.

"Eh bakit ba ang laki-laki ng galit mo sa aming mga lalaki? Ano bang ginawa ng mga lalaki sa'yo?" sabi naman niya.

"Di ba sabi ko hindi tayo close para sabihin sa'yo ang lahat," sabi ko naman sa kaniya.

"Kahit bayad mo na lang sa akin kasi inaalagaan kita," sabi naman niya napangisi naman ako "Di ba sabi ko uuwi na ako? Pero ayaw mo, ikaw ang nagpilit kaya wala akong babayaran," sabi ko naman.

"Hay naku, kayo talagang mga babae ang hirap niyong intindihin," sabi naman uli niya at umupo siya sa sofa malapit sa kama kung saan ako nakahiga.

"Bakit sinabi ba namin na intindihin niyo kami?" tanong ko naman sa kaniya "Oo nga naman," sabi naman niya then I nod my head.

"Hindi kasi lahat ng gusto niyo makukuha niyo," sabi ko naman uli "No, I will get everything I want," sabi naman niya.

"Wag kang magsalita ng tapos," sabi ko naman sa kaniya.

"Sabihin mo lang sa akin kapag may kailangan ka pa," sabi naman niya then I nod my head.

(Kinabukasan)

Maaga akong nagising kaya agad akong bumaba, ayos na rin naman ang pakiramdam ko, pagbaba ko bukas na ang lahat ng ilaw.

Narinig ko naman na may nagluluto na sa kusina kaya agad akong pumunta sa kusina, pagtingin ko nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko si Haruki na nagluluto.

"Do you know how to cook?" Tanong ko naman sa kaniya "Magluluto ba ako kung hindi?" Sabi naman niya, tama naman nga siya dun.

HARU-HARU: A So-Called Love (Completed)Where stories live. Discover now