Gusto kong magalit pero wala ako sa lugar. Hindi naman trabaho ki George na bantayan ang mag-ina ko. Ang laki na nga ng utang na loob ko sakanila dahil pinatuloy nila sila Vina sa bahay ng mga ito.

Kasama pa ng mga ito si Vina noong panahon na kailangan ako ng asawa ko dahil manganganak ito.

"Wala ka bang narinig na pag-uusap nila noon kung saan pwedeng magpunta ang mag-iina ko?"tanong ko nalang.

"Sorry sir pero wala talaga akong alam"sagot nito.

Mariing napapikit nalang ako at wala ganang napaupo nalang.

Pumasok na sa isip ko ang ganitong senaryo. Na mapupuno si Vina sa akin at iiwanan ako.

Nagsisisi tuloy akong hindi agad bumalik sa mag-iina ko ng bumalik ang alaala ko.

Gusto ko lang naman na isecure ang lahat. Na hindi kami gugulihin ng mga magulang ko once na pinili kong makasama muli ang pamilya ko.

Hindi ako magpapaipokrito na sasabihin gusto ko lang na may pera kapag bumalik ako sa mag-iina ko. Kasama na din iyon, nag-uunti-unti akong magtabi ng pera na hindi alam ng mga magulang ko. Para sa pamilya ko gagawin ko lahat para sakanila.

Inaayos ko na ang lahat, plano ko ng sabihin sa mga magulang ko na alam ko na ang lahat. Na naaalala ko na ang lahat at naiinis na nagagalit ako dahil walang ginawa ang mga magulang ko para maalala ko ang mag-iina ko.

Pero nagagalit din ako sa sarili ko kasi bakit sa dinami-dami pa ng pwedeng maging sakit ko. Sakit pang amnesia ang nakuha ko worst pamilya ko pa mismo ang nakalimutan ko.

"Urgh!"nasabunutan ko bigla ang sarili ko.

"Walang pera ang mag-iina ko. Paano nalang sila kapag hindi ko sila makita agad"puno ng pag-aalalang kausap ko sa sarili ko.

"Sir, wag po kayong mag-alala sa bagay na iyan. May pera po si Vina. Binigyan po siya ng mga magulanh niyo"singit naman ni George.

Hindi ko alam na nasa harapan ko pa pala siya ngayon.

At anong sinabi niya. Binigyan ng mga magulang ko si Vina ng pera. At tinanggap naman ni Vina.

"Wag kayong magalit sir. Hindi alam ni Vina na sa mga magulang niyo galing ang pera"parang nahulaan naman ni George ang tumatakbo sa isip ko.

Hindi na ako nagsalita at iniwanan ko nalang siya sa opisina.

I need to talk to my parents.

Kailangan kong iklaro ang nalan ko ngayon.

Anong ibig sabihin ng lahat ng nalaman ko. Bakit nila bibigyan ng pera si Vina na hindi nila ipapaalam na sakanila galing.

Hindi ba't galit sila kay Vina.

......................

Tinamaan nga naman ng magaling. Wala ang mga magulang ko. Or should I say ang mother ko pagkauwi ko.

She just fly to America this morning without saying anything to me.

Sa katulong pa namin ko nalaman na nakaalis na si Mommy.

"Hello"tawag ko sa akin ama.

"Thimothy, something wrong? Napatawag ka bigla?"masayang tanong pa nito sakin.

I feel like the old day's noong wala pa kami conflict na pamilya. Iyong close pa kaming lahat, walang galit o tampuhan na mararamdaman sa bawat isa.

Ganito kasi ang pakikitungo ng father ko sakin noon.

"Nothing, is mommy arrive safely?"

Mahabang katahimikan ang narinig ko mula sa kabilang linya. Alam kong nandoon pa ang kausap ko, naririnig ko pa naman kahit papaano ang hininga niya.

"Kuya"boses iyon ng kapatid ko.

I guess magaling na siya ngayon. Ang tagal ko din siyang hindi nakakausap. Tingin ko pinipigilan talaga nila si Mariel na makausap ko. Kasi naiisip nila na si Mariel ang magsasabi ng totoo sakin noong may amnesia pa ako.

"Mariel"pinasaya ko ang boses ko.

My family still doesn't know that I remembered everything.

"Kuya, may sasabihin ako sayo. Makinig kang mabuti..."may pagmamadali sa boses niya habang nagsasalita.

Tingin ko din may pumipigil sa kanya ng mga oras na ito.

"Mariel!"saway naman ng ama namin sa kapatid ko.

Huminga ako ng malalim.

"I know that Mariel. I remembered everything"sagot ko nalang na ikinatahimik ng kabilang linya.

"You gained your memory back?"gulat na tanong ama ko.

"Yes dad, and I'm going there. We need to talk"iyon nalang ang huling sinabi ko bago ko tapusin ang tawag ko sa kanya.

I prepare myself, pupuntahan ko sila. Hindi masasagot lahat ng tanong ko sa isip kung nasa malayo sila at tatawagan ko lang.

After I settle my problem with my family hahanapin ko naman ang mag-iina ko. At sisiguraduhin kong wala ng makakapaghiwalay samin ni Vina at ng mga anak ko.

Tama na ang limang buwan na nawalay ako sa kanila.

Babalik ako Vina. I promise that.

..........

A/n : sabaw?

Lame ang plot wala ksi ako sa mood ngayon...

Beast mode?

Bawi nalang sa ibang chapter...

His Only PossessionWhere stories live. Discover now