40

12K 331 21
                                    

"GRACE, magpapaalam na sana ako sayo"malungkot kong sabi.

Kasalukuyan kaming nasa park malapit sa tinitirhan namin. Masayang naglalaro ang mga bata sa paligid namin.

"Bakit san punta mo? Pupuntahan mo na ba ulit si sir Thimothy? Ako na bahala sa mga bata"sagot naman nitong hindi nakatingin sakin.

Malalim na bumuntong hininga muna ako. Di ko kasi alam na ganito pala kahirap magpaalam. Noon kasi biglaan kaming nawala ni Thimothy kaya di ako nagpaalam kay Grace.

"Hindi Grace, aalis na kami ng mga bata babalik na kami ng probinsiya"mahinang turan ko.

Agad namang napalingon sakin si Grace n nagtataka at gulat na gulat na nakatitig sakin.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"gulat na tanong nito.

Tumango ako bago ko pagtuunan ng pansin si Vince na takbo ng takbo at hinahabol si Harold.

"Habang tumatagal kami dito mas mahihirapan kaming makaalis Grace. Tinapos ko lang ang school year kasi gustong-gusto ni Vince ang mag-aral. Matagal ko ng planong bumalik ng probinsya. Mas sanay na kasi ako doon Grace kaysa dito sa Manila. Isa pa nakakabigat na kami sa inyo. Nahihiya na ako"paliwanag ko naman.

"Ano ka ba, hindi mo kailangan na mahiya sakin magkaibigan tayo"inis sagot ni Grace.

Ngumiti naman ako at nilingon siya. Inaasahan ko na isasagot niya iyon.

"Grace, siguro king kagaya ng dati na tayo lang hindi ako mahihiya kasi may sumusuporta sakin ng palihim. Si Thimothy. Kaso iba na sitwasyon ngayon. May dalawa na akong anak. Wala akong trabaho, may utang pa ako sa inyo. Tapos hindi pa ako maalala ng sarili kong asawa. Kayo sumasagot ng pagkain namin, gatas at diaper ni Thea. Grace alam ko.ang hirap ng buhay alam mo iyan simula pa lang. Kaya magpapaalam na ako sayo."paliwanag ko naman sa kanya.

Kita ang lungkot sa mukha ni Grace. Papalit-palit din ang tingin niya sakin at kay Baby Thea.

"Kainis ka naman akala ko pa naman matagal ko pang makakasama si Baby Thea"nakasimangot na sagot nalang niya.

Nilapitan ko siya at niyakap.

"Salamat ha"bulong ko pa sa kanya.

"Paano na si Sir Thimothy?"tanong nito after ng ilang minutong katahimikan namin.

Nagkibit balikat naman ako sa tanong niya.

"Kung talaga para sakin para sakin"iyon nalang ang huling sinabi ko bago ako nakipaglaro sa mga anak ko.

.............

"NASAAN na sila Vina?"tanong ko kay George.

Ilang araw na akong nagpapabalik-balik sa bahay nila para lang sulyapan ang mag-iina ko mula sa malayo.

Pero sa mga pagbalik-balik ko hindinko nakikita ni anino ng mag-iina ko.

"Sir kasi..."alanganin niyang sagot.

Actually hindi siya makasagot o makatingin man lang ng deretso sa mata ko.

"George"naiinip kong tanong dito.

Napakamot naman ito sa sarili nitong ulo bago sumagot.

"Hindi ko din alam sir. Kahit anong tanong ko sa asawa ko hindi niya sinasabi kung nasaan sila Vina. Nung isanh linggo pa sila hindi umuuwi sa bahay sir"nahihiyang sagot naman nito.

Napatayo ako ng wala sa oras sa narinig ko.

"What?"sigaw ko pa.

Hindi naman makatingin sakin si George.

His Only PossessionHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin