Nang makababa siya ay nakita niyang naka kunot ang noo ni Deanna na nakatingin sa legs niya

" Ano yang suot mo? "

" ano bang problema sa suot ko?  " sabay tingin sa sarili niya

" wala na bang mas iikli pa sa short mo? "

" ganito naman tlaga ako pag umaalis ah? bat ikaw naka short din naman "

" magpalit ka dun ng long pants " utos ni Deanna

" komportable ako sa suot ko, ayoko ng magpalit" tanggi ni Jema

" maraming tao sa park "

" eh ano ngayon marami din namang nakasuot ng short dun kagaya ko " matigas na wika ni Jema

" mgpapalit kba o maiiwan ka dito? " seryosong sabi ni Deanna

Padabog na umakyat si Jema at nagpalit ng pantalon

Naka upo sila ngayon sa park habang si Chui Chui ay hinahayaan nilang maglaro at gumiling giling sa damuhan

Nang biglang may dumaan na mga estudyanteng babae, ang se sexy ng suot napatingin naman dito si Deanna

Nakita ni Jema kung pano tingnan ni Deanna ang mga estudyanteng yun

" hooooooo.... ang init " sabi ni Jema sabay hubad ng suot niyang Jacket, at dahil nga nka spaghetti strap lang ito kitang kita ang hulma ng katawan ni Jema

Napatingin naman si Deanna sa kanya

" anong ginagawa mo? " inosenteng tanong niya sa kaktabi

" mainit ehh " kunwaring pay pay pa ni Jema gamit ang kanyang kamay

Nilapit ni Deanna ang kamay niya sa noo ni Jema hindi naka ilag ang huli dahil nakadapo na ang kamay ng kaarabi sa noo niya

" pano ka naiinitan? eh hindi ka naman pinagpapawisan? " takang tanong ni Deanna

" bakit kelangan ba tlaga pagpawisan ako para masabi na mainit tlaga? " masungit na tanong ni Jema sabay tanggal ng kamay ni Deanna sa noo niya

" ang weird mo " sabi ni Deanna sabay tayo

" bantayan mo si Chui Chui may pupuntahan lang ako " pahabol na wika ni Deanna at iniwan na silang dalawa ng aso

" pupuntahan daw, baka susundan niya lang yung nakita niyang estudyanteng sexy selos ka naman, " sa isip ni Jema

" mas maganda naman ako dun ahh, sexy rin naman ako kung hindi niya ako pinapalit ng short aba may laban ako " dagdag pa ni Jema

Kinuha ni Jema si Chui Chui at pinahiga sa lap niya at nilaro laro ng maramdaman niyang may nakaupo sa tabi niya

May iniabot si Deanna sa kanyang supot sabay kuha kay Chui Chui at sya naman ang nag karga

Nang buksan ni Jema ang laman ng supot tumambad sa kanya ang Ice Cream na nasa cup at Milk Tea

Takang tiningnan niya si Deanna

" sabi mo naiinitan ka " inosenteng sabi ni Deanna

" akala ko ba galit ka sakin? bat mo ginagawa to ngayon ? " tanong naman ni Jema

" I did it for Chui Chui, kaya sa kanya ka magpasalamat "

Hindi na pinansin ni Jema si Deanna at kinain na lang ang dalang Ice Cream ng katabi sa kanya

Gabi na nang makauwi sila ng apartment

" So okay na kayo? " gulat na tanong ni Mafe nang makita na magkasama silang dalawa

" Mafe ipasok mo muna tong si Chui Chui sa loob " at binigay ang natutulog na aso kay Mafe

magsasalita pa sana si Mafe pero inunahan ito ni Jema

" wag ng maraming tanong " at pinandilatan pa ng mata si Mafe

Naiwan silang dalawa sa labas ng gate

" Nextweek wala ako dito may training camp kami outside manila " pagpapaalam ni Deanna

" Hindi ako nagtatanong" sabay irap ni Jema

Napabuntong hininga si Deanna, pinipigilan niyang wag patulan ang kasungitan ng babae

" Ikaw na bahala kay Chui Chui and please kung ano mangayri sa kanya ako ang tawagan mo at hindi yung iba " wika ni Deanna

" ayaw mo nga akong kausapin dba? hindi mo naman sinasagot tawag ko "

" okay this time sasagutin ko na tawag mo " napapikit na wika ni Deanna

Makahulugan siyang tiningnan ni Jema

sasagutin ko for Chui Chui, yun lang. kung ano man yung nagyayari ngayon dahil lang yun sa kanya  " paliwanag ni Deanna

napairap naman si Jema sa sagot ni Deanna magsasalita pa sana ang huli ng siniraduhan niya na ito ng gate

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Kde žijí příběhy. Začni objevovat