[ 27th ] Bite

582 12 10
                                    

WEEEEEEEEEEEEEEEEEEE SHORT UPDATE ULIT! >O<

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[ 27th ] Bite

 

Khael’s POV

Naihilamos ko sa mukha ko yung kamay ko paglabas ng bahay ni Rina. Totoo ba…? Totoo ba yung mga pinakita sa akin ni Larxene? Bakit? Hindi man lang niya idineny…

Halimaw ba si Rina? Halimaw ba ang girlfriend ko?

Is My Girlfriend A Vampire?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad palayo sa bahay niya. Nagsisisi ako ngayon sa ginawa ko. Itinulak ko siya palayo…itinulak ko siya at nabasag namin yung lamesang salamin nila…impusibleng hindi siya nasaktan doon. Nagsugat yun panigurado…

Worse...parang nandiri ako sa kanya.

Hindi dapat yun...

Arggghh! Nagagalit ako sa sarili ko ngayon! Gusto kong balikan si Rina! Wala akong pakielam kung ano man siya!

Pero ano sasabihin ko? “Sorry Rina bati na tayo?” Shet lang!

Napaupo ako sa gilid ng kalsada. Nagiisip. Babalik o hindi babalik?

Sige...

Babalik na lang.

Dahan dahan akong naglakad, pinagiisipan kung ano ang sasabihin kay Rina. Ano nga ba? Yung itsura ng mga mata niya kanina...parang ayaw kong matakot. Parang...imbes na matakot, gusto kong protektahan. Pero hindi ako naging malakas, at nilayuan ko pa siya.

MY Girlfriend Is A VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon