[ 15th ] Bite

804 8 3
                                    

[ 15th ] Bite




Khael's POV




!@#$%^&*() Naglalasing na naman ako dahil sa babae. Sh!t lang talaga.


Nawawala na ba yung "touch" ko? Nawawala na ba ang pagka-playboy ko? Bakit parang nabaliktad na ang mundo ngayon?! Ako na ata ang sinasaktan?! Tae naman oh.


"Khael...buksan mo na yung pinto..." kinakatok na ako ng nanay ko ngayon. YES. nakauwi na rin siya.


Hindi ko siya sinagot. Nag iisip ako kung ano gagawin ko.


Mahal ko ba talaga si Rina?


Eh ako? Mahal pa ba niya ako?



"Arggghhh! BWISIT!" tapos ibinato ko yung bote ng beer papunta sa pader.  Nabasag ito. Narinig ata ni mama yung pagkabasag.


"KHAEL?! ANO YUN?!" taranta niyang tinatanong habang katok ng katok sa pinto ko.


Bahala ka diyan. Mag eemo na lang ako dito sa kwarto ko.



Pag-gising ko, malakas na ang sinag ng araw. Nakatulog ako sa sahig dahil lasing na lasing na talaga ako. Weird thing is...hindi ako masyado naapektuhan ng hang over. Abnormal ata ako eh.


Bumaba ako sa kusina namin. Tinurn on ko yung coffee maker. In-on ko din yung TV dito sa kitchen.


"Breaking News! 3 lalaki, patay! Ayon sa mga saksi, ang tatlong lalaki na ito ay huling nakitang may kasamang isang babae. Pinaghihinalaan na isang bampira daw ang pumatay dito! May dalawang butas sa leeg ang mga biktima. Totoo nga bang may bampirang gumagala? O isa itong pakana ng killer? Tumutok lang para sa mga update."


"Bampira? Ano to? Twilight? Vampire Diaries? Vampire Academy? Mga gunggong!" sabi ko lang. Bampira ba naman?! Bino-broadcast pa yan sa tv ha! Hindi na sila nahiya. Hindi naman totoo yung mga eh.


Nagbihis na lang ako. As usual. late na naman ako sa class.


"Mag usap tayo mamaya." bulong ko kay Rina. Tiningnan niya ako tapos tumango. Mukhang malungkot.


Bahala na. Mamaya ko na lang sasabihin ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.





Rina's POV




Mag uusap daw kami mamaya. Sabi ko na nga ba eh. Eto din ang hahantungan naming dalawa. Break up.


Gusto ko na talagang umiyak dun sa classroom. Kahit na nagbago ako sa labas, ako pa rin yung Rina na nahuhumaling kay Khael.



Dumating ang dismissal. Pinuntahan kaagad ako ni Khael. "Lika sa labas tayo." sabi niya.


Pumunta kami sa likod ng school, kung saan may pond. Sunset na kaya parang movie lang talaga.


"Ipagpapatuloy pa ba natin to?" sabi ni Khael sa akin.


"Ang alin?" maang-maangan ko. Please wag...


"Yung relasyon natin." sabi niya. parang wala lang sa kanya...ganyan ba siya talaga?


"Depende sayo." sabi ko. Ang tipid namin sumagot no?


"Mahal mo pa ba ako?" tanong niya sa akin. ANo ba sinasabi nito?


"OO NAMAN!" sabi ko sa kanya.


"Sige. Hindi na tayo mag be-break." sabi niya sa akin! Talaga?! akala ko talaga mag be-break na kami eh!






Khael's POV


Tuwang tuwa siya nung sinabi kong hindi kami maagbe-break. Ibig sabihin mahal niya ko. Hindi ko iyon pinakita kay Rina pero tuwang tuwa ako sa narinig ko. At least, wala siyang gusto kay Drake, di ba?


Pero hindi ko napigilan. Niyakap ko siya kaagad ng mahigpit at sinabihan ko siya ng, "I love you".






sorry kung pangit at nonsense yung update! bawi na lang ako mamaya

MY Girlfriend Is A VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon