Chapter 26

75.2K 2.5K 987
                                    

Chapter 26

Ellie

I was hesitant. Natigilan ako nang sabihin ni Tita Lian iyon sa akin, but she was so sincere and her eyes was looking at me, straightly. I felt like I'm in the middle of the forest, running, escaping but the Queen just saw me. Naramdaman niya ang pagdadalawang-isip ko. Ngunit imbes na pagbantaan ay mainit at nakakaintindi niya akong nginitian.

Bumaba ang tingin niya sa aking anak na mahigpit kong hinawakan sa kamay.

"Tutulungan ko kayo, Ellie. Hindi ito malalaman ng anak ko." she warmly said to me.

"Pero, Tita.." nag-aalangan ko pa ring sagot sa kanya.

"Magtiwala kayo," she look down to Shane again and smiled at him, "Hindi niya kayo hahanapin sa akin."

Hindi pa man din ako nakakapagsalita ay may isang puting sasakyan na ang huminto sa mismong harapan namin. Bumukas ang pinto sa driver side at bumaba mula roon ang isang matangkad na lalaki. He was wearing a shades, maayos ang kanyang buhok at puti rin ang suot na T-shirt. Kumunot ang noo niya. Sinulyapan niya ako at saka tiningnan si Tita Lian.

Tita Lian opened the door in the backseat, "Tara na, sumakay na kayo," aya niya sa amin. Nang hindi kami gumalaw ay kinausap niya ang lalaking driver. "Wax ihahatid natin sila sa Taguig,"

I look at her again. Taguig?

"Mayroon ako roong condo unit. Doon na muna kayong..mag-ina."

Nilingon ko ang aming likuran. Kinakabahan ako. Para bang kahit anong oras ay matatagpuan niya kami. But I knew his Mother. Her words are promised. I look at her, "Tita may mapupuntahan na po kami." Tanggi ko.

"Alam ko, pero kilala ko ang anak ko, Ellie. Susuyurin niya ang Pilipinas kung gusto niyang hanapin ka, kayo ng anak mo, niyo." Matiim niyang sabi sa akin.

Nagtipon ang kaba sa aking dibdib. Niyo. Tingin pa lang ay alam na niyang si Shane ay apo niya. This is an impromptu decision..tanging ako lang ang may kakayahan. I thought twice, thrice—hanggang sa businahan kami ng ilang jeep dahil sa sikip ng kalsada. Nilingon iyon ni Wax at kinunutan ng noo. He's calmed and disciplined. Ilang saglit lang ay binalik niya ang tingin kay Tita Lian.

"Tita bawal pong magtagal dito." Mahinahon niyang paalala.

Napalunok ako. I look down at my kid. Namumula na ang pisngi niya sa init at pinagpapawisan ang noo. I firmly pinned my lips, bumuntong hininga. Pag-angat ko ng tingin kay Tita Lian ay tinanguan ko siya. Pinauna niya kami sa pagsakay. At siya naman ay sa harapan na umupo.

Nang sumakay na rin si Wax at agad niyang siningit sa traffic ang sasakyan. Binuksan ko naman ang dala kong bag at kumuha ng malinis na bimpo, pinunas ko iyon sa mukha ni Shane at pinalitan na rin ang sapin sa kanyang likod.

"Ellie this is Wax Miguel, pamangkin ko." she was looking back at us.

I look at her, I smiled awkwardly and nodded, in rear view Wax nodded at me too.

"Wax, this is Ellie, ang nag-iisang Ellie ng anak ko.." she proudly declared my name.

Uminit ang mukha ko dahil doon. Then she stared at my little kid, I saw how soft her face was.

"This boy's name.."

"Shane po." Dugtong ko.

Her smile widen. "Hello, Shane.." banayad niyang bati sa kanya.

Tiningnan ko ang anak na nakatingin lamang sa kanya. I leveled my eyes to him and smile, "Shane, siya si..M-mama Lian mo, say 'Hi'.."

Tita Lian giggled. Napatingin ako sa kanya. "Don't worry, hija, excited na excited na akong matawag na 'Lola', so it's fine, you can call me 'Lola Lian', my little boy, S-shane." her voice shook.

First HeartbreakWhere stories live. Discover now